Chapter 20

1.5K 60 7
                                    

Chapter 20 : The eyes

Louie POV

Hahahaha! Ang galing talaga ng tiyempo ko! Sabi na nga ba't yun ang magiging truth sa kanya eh! Mabuti nalang talaga tama ang hula ko na hindi ang sasagutin niya.

Ang truth ko kasi sa kanya kanina ay kung hindi ang sagutin ni sammie sa magiging tanong niya sa truth, lalayo ba siya lalo na't tungkol ito sa kanya. Sinabi naman niya na oo kaya tignan lang natin haha.

"Hoy louie! Anong mukha yan? Bat natawa ka?" Tanong sa akin ni sammie. Bumalik na ulit ako sa katinuan ko nang magsalita siya.

"Bakit? Masama na ba? Wala naman diba? Hahahaha" sabi ko sa kanya.

"Wala lang, natanong ko lang. Kasi iba ngayon tawa mo ah! Parang totoo" sabi niya at nagkibit balikat nalang. Lumapit siya doon sa dalawa na nagbabangayan. Ingay!

Bigla naman nagtahimikan kaya peacaful na ako. Makatulog na nga tutal gabi na rin. Kainis nga lang, sa baba ako. Gusto ko kasi sa taas eh.

Pahiga na sana ako nang maalala ko si louie. Ano na kayang nangyari dun? Sana nagpakamatay na siya sa CR haha. Pero syempre huwag. Mabait ako noh?

Mapuntahan na nga lang.

Tatayo na sana ako nang maalala ko si lauren. Kasama na nga pala niya si louie. Huwag na nga lang. Masyado pa akong bitter sa kanya. Alam niyo na, naiinis lalo ako kay Kian.

Pero atleast nakamove on na ako sa kanya. Sabagay, marami pa namang ibang babae dyan na mas perfect sa kanya.

Habang iniisip ko yun, nakatingin ako kay sammie na nag aawat dun kay kian at dun sa kaibigan niya. Yung george na akala ko lalaki.

Bakit naman kasi panlalaki pangalan nung babaeng yun? Nakakamatay talaga ang maling akala noh?

Nagulat nalang ako nang biglang umuga yung kama. Kainis naman tong si Kian. Umaakyat na pala sa taas. Parang nag eearthquake sa sobrang uga.

"Goodnight Sammie!" Sigaw niya at nanahimik na. Nakatulog na ata ang loko.

"Nays naman! Special mention to Sammie?" Sigaw ni George. Pero hindi na siya umimik. Tulog na talaga. Bilis naman.

Hindi naman ako makatulog! Yung magkapatid naman, di pa bumabalik dito. Makalabas nga muna. Magpapahangin ako.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa ground floor at lumabas ng resort. Ang ganda talaga dito at ang sarap ng simoy ng hangin.

Napapikit nalang ako habang nagpapahangin. Lamig dito ah! Pagkamulat ko,

"Huwag kang matulog dito"

"Ay siopao! Bat ka nasa harap ko?" Bigla nalang lumitaw sa harap ko si sammie.

"Kanina pa ko nandito noh! Di mo ba ko nakita?" Bigla naman akong kinilabot. Bat hindi ko siya nakita kanina?

"Hindi ka rin makatulog?" Tumango nalang ako.

"Gusto mo ng gatas? Kuha ako" tumango nalang ulit ako at umalis na siya sa harapan ko.

Sana naman hindi siya lumitaw ulit ng biglaan. Hindi ko nalang pipikit mata ko.

Maya maya, nakakita akong nagparadang isang kulay puting van sa harapan ko. May nagsilabasang apat na lalaking naka itim. Takip na takip ang mukha at tanging mata lang nakita ko.

Teka, papunta sila sa akin? Anong gagawin nila sa akin?

Tatakbo na sana ako nang mahablot ako nung isa kaya agad kong nasuntok pero hindi manlang siya lumaban. Kinuha nila ako ng tatlong lalaki. Pumipiglas ako pero malalakas sila.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon