I am Frances Madrigal, The 22 year old brat of the Madrigal family. Smart, Beautiful I mean Gorgeous, Sexy, Rich, What more can I ask for?
I am a go-getter-kind-of-girl. A typical What Frances wants Frances gets. Wala akong ginustong hindi ko nakuha. Mapa bagay o tao man kapag ginusto ko, kinukuha ko.
A typical bitch brat? Well, you could say that. I don't really care.
Sa ngayon, I am stalking on my next prospect. A tall, handsome, rich -- well ultra rich, hunk man named Andrei Vera. Ilang araw ko na syang nakikitang umiinom ng mag-isa dito sa bar na tinatambayan ng barkada. At sa bawat araw na nakikita ko sya, magkakaibang babae ang kasama nya. Usually ay mga lumalapit lang sa kanya para makipag flirt.
I've research everything about him pero ang nakita ko lang ay isa syang successful businessman sa loob at labas ng bansa. An only son of Judge Vera, the playboy of the century, wala ka ng makikitang ibang information about sa kanya kundi ang mga common knowledge. He is so damn mysterious. He never did an interview, not even once, kahit ambush interview ay iniiwasan nya. He is very private when it comes to his personal life.
Sa ilang araw na nandito sya, never nya akong nilapitan, well, never naman syang lumapit kahit kanino. Hindi umubra sa kanya ang mga ginagawa ko para makuha ang gusto ko ng hindi ako ang unang lumalapit. Ka-cheap-an naman kasi kung ako ang unang lalapit, and I am never cheap!
Pero nabasa ko din na hindi sya nag-i-stay ng matagal sa Pilipinas, actually, he never stay at one place for a long period of time kaya alam kong nauubusan na ako ng oras. Tapos mamaya ay may lalapit na naman sa kanya, mauunahan na naman ako.
I walked towards his direction, kakarating pa lang nya at kailangang ako ang maunang lumapit sa kanya. Naupo ako sa high stool sa tabi nya.
He looked at me and gave me his famous lopsided smile.
"Want me to do you tonight?" he asked frankly. Oh my! He's so rude! Tumabi pa lang ako sa kanya, iyon na agad ang tanong nya? Hindi ba pwedeng alamin nya muna ang pangalan ko?
"No." I know how to play this. Mas mahirap kunin, mas pinaghihirapang kuhain. The more you decline, the more they are going to be eager.
"Okay." kibit balikat nyang sagot at saka bumaling sa kabilang gilid nya kung saan may isang babaeng hindi ko namalayan na tumabi sa kanya. And the next thing I knew, iniwan na nila ako at magkasamang lumabas ng bar na iyon.
Bago tuluyang lumabas ay nilingon pa nya ko. He winked at me then he mouthed "next time" before leaving. Yun ang nabasa ko base sa bukas ng labi nya.
I was furious the whole night! How could he do that to me? No one had ever dared done that to me!
Isang linggo akong hindi pumunta sa bar dahil doon. Nababadtrip lang ako pag nandoon ako dahil naaalala ko ang pang-iiwang ginawa nya sa akin. Wala akong pakielam kung umalis na sya ng bansa!
So much boredom will kill me kaya hindi ko na kinaya. I need my night life back.