Her Version 27 (Part 1)

2.5K 97 22
                                    

There's a lot to take in.

Noong nakaraan, I am dying to now Andrei's secrets and reason for leaving us. Pero ngayong ready na syang sabihin, nalaman ko na hindi ko kayang malaman ng isang bagsakan lang.

Kailangan unti-untiin ko. Alam ko naman na ginagawa nya ang lahat ng ginagawa nya para mabigyan ng buo at kumpletong pamilya ang anak namin. I have to give him credits to that. Iyon din naman ang gusto ko. Gagawin ko ang lahat maibigay lang iyon sa anak ko. Even if it will cost me a lot of heartache.

I would give my all just to have Dean's smile whenever he is with his father. I admit, I never seen him this happy since I gave birth. Having his father makes him a lot more happier. And who am I to stop that happiness?

Pero hindi nyo din ako masisisi kung takot at galit ang namamahay sa puso ko. Takot sa mga susunod na mangyayari at galit na mula sa nakaraan na hindi ko pa kayang pakawalan sa ngayon.

It is the only defense mechanism that I have to stop myself from falling again, to stop myself from hoping. Hoping for something that is next to impossible.

Nakatulugan ko na pala ang pag-iisip. Naalimpungatan na lang ako sa hindi malamang dahilan.

Binuksan ko din ang lamp sa side table dahil iba ang pakiramdam ko. Iyong pakiramdam na may nakatitig sayo.

Nagulat ako noong makita ko siyang nakaupo sa couch at nakatitig sa akin... o sa amin ng anak namin habang tulog.

"What are you doing? Bakit hindi ka pa natutulog? What time is it?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Hindi pa ako makatulog. It's just one in the morning. You can go back to sleep and I promise, I wont do something stupid." he answered before drinking a beer from the bottle na hindi ko agad napansin nahawak nya.

Medyo naalarma ako sa kaalaman na umiinom sya kaya napaupo ako. Iba ang isip ng tao kapag nakainom. Iba ang epekto sa katawan ng tao. Alam ng lahat na lumalakas ang loob ng isang tao kapag natatamaan ng alak kaya nakakagawa ng mga bagay na hindi pinag-iisipan.

"You can drink outside. Why here? Paano pag nagising ang anak mo at makita ka?" I hissed. Tama. Mas madaling magalit.

"Sounds very wifely huh. Isang bote lang naman to, pampaantok lang." he said playfully as if nothing happened.

"Wala akong pakielam kung pampatulog yang iniinom mo o kahit hindi ka na magising. Basta huwag dito sa kwarto." masungit kong sabi. I know, I was mean. Pero mas may mean pa ba sa ginawa nya sa akin?

Tumango naman sya at walang sabi na lumabas ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag pero panandalian lang iyon dahil bumalik sya. Inilabas lang ata nya ang iniinom nya.

"Why are you here? Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka." pagsusungit ko pa din. Ito lang ang panlaban ko sa kanya.

"I will sleep here. This is.."

"Oh no! You won't! Labas!" putol ko sa sinasabi nya.

"Ang tigas mo naman masyado. Ayaw mo akong pakinggan, ayaw mong lumalapit ako sa'yo, ngayon, ayaw mo ding matulog ako kahit sa couch man lang ng kwarto natin." naiiling na sabi nya.

"Cut the drama. It won't work on me anymore." Matigas kong sabi kahit na medyo tinatamaan na ako ng konsensya. Technically, Sa kaniya nga naman ang kwarto na to, well actually buong bahay ay kanya.

"It's not. Goodnight." iyon lang ang sinabi nya at saka lumabas na ng kwarto.

Sumobra na ba talaga ako? Masyado na nga ba akong matigas?

Kung matigas man ako, dahil din naman sa kanya yon. Ang mga ginawa nya sa akin ang nagpatigas sa akin ng ganito.

Paikot-ikot ako sa higaan pero hindi na ako makatulog. I need milk.

Nagpasya akong bumaba para maghanap ng fresh milk sa ref., pero napahinto ako sa paglakad noong may marinig akong pamilyar na boses na nag-uusap.

"Babe, tingin mo ba may pag-asa pang magkaayos ang kapatid mo at si Sean?" Tsina asked. Nakaupo sila sa bar counter. Nakatalikod silang dalawa sa kinatatayuan ko.

"Babe, may katigasan talaga ang ulo ng kapatid ko bata pa lang, but once she decided to listen, that's when she starts to understand things. Let's just give her more time. Trust me, she'll come around." malumanay na sabi ni kuya. Para bang tiwalang tiwala sya sa akin. Na maiintindihan ko din ang lahat.

"I hope so. Ang dami ng hirap ng kapatid ko. He's always like that. He always sacrifice for the sake of his loved ones."

"Akala ko dati, ginawa nya iyong mga ginawa nya dahil gusto nyang makaganti sayo. Kung hindi pa sinabi ni James sa akin na nanggugulo ang biological father ng anak ni Sean. Hindi ko pa malalaman ang nangyayari." kwento pa nya. Lalo akong naguluhan sa sinabi nya.

"Pasalamat sila at buntis ako ngayon, kung hindi, makikita nila ang hinahanap nila." natawa si kuya sa sinabi ni Tsina.

"Babe, let him fight his own battle. Back up lang tayo kapag hiningi na nya ang tulong natin. You've done enough. Bawal kang mastress. Hayaan mo ng dumiskarte si bayaw." natatawa pa din nyang sabi.

Hindi ko na tinapos ang pakikinig ko. Another info na naman iyon. Masyado na akong information overload,.ayoko muna mag isip ng kung ano ano at  tungkol na din kasi sa pagbubuntis ang napuntahan ng usapan nila.

Maliwanag na noong dalawin ako ng antok. At noong magising ako ay mag isa na lang ako sa kwarto.

May nakasalubong pa ako na kasambahay na gigisingin daw ako dapat dahil pinapagising na daw ako ni kuya.

"Where's my son?" I asked kuya

"Kasama ni Andrei at Franz, naglalaro sa labas." Parang wala lang na sabi nya. Hindi ba sya nagseselos sa closeness ni Andrei at Franz? Ako kasi selos na selos para sa anak ko.

"Kumain ka na. Pupuntahan ko lang sa kwarto si Tsina. Masama ang pakiramdam e." Paalam nya na tinanguan ko lang naman. May mga nakahain naman ng pagkain.

"Pwede bang sumabay ng pagkain?" someone asked from the entrance. No, it's not Andrei. It's James. Hindi na nya hinintay ang pagpayag ko. Nauna pa syang kumuha ng pagkain sa akin.

Tahimik lang kaming kumakain pero alam ko na tumitingin tingin sya sa akin. Para bang may gusto syang sabihin pero nag-aalangan sya.

"Spill it." sabi ko habang nakayuko pa din sa pagkain.

"What?" He asked quizzically

"You wanna say something? Spill it." mataray kong sabi

"Nah, it's not my story to tell. You'll know everything in your own good time." He said casually.

Come to think of it, alam ni kuya at Tsina, alam din nitong si James, my parents seems to know something too.. ako lang ata ang walang alam?

"On second thought, I wanna ask you to cut Andrei some slack. He might deserved your cold treatment but he's done all of those for what he thought was right back then." seryosong sabi nya at saka niligpit ang pinagkainan nya bago ako iniwan doon.

A's note: Well bitin na bitin. Mema lang. Mema update lang. lol.

Sorry na guys. masyadong busy ang lola nyo. Babawi ako next update! Ciao




Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon