Nakapag-isip-isip na ako. I've decided to give Andrei a chance. I've decided to give my son and myself a chance to have a complete family.
Naalimpungatan ako dahil siguro sa uhaw na nararamdaman ko. Inayos ko muna ang pwesto ng anak ko bago ako nagpasyang lumabas.
Parang may iba kasing hinahanap ang panlasa ko. Pababa na ako noong parang may narinig akong nag-uusap-usap.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon pero pinakiramdaman kong mabuti at habang palapit ako sa isang kwarto ay mas lalong lumilinaw sa akin ang boses ng mga nag-uusap.
"Why don't you tell her the truth?" It was Tsina's voice.
"Believe me Tsin, I have asked him that hundred of times already." It was James' voice.
"Ayoko." Andrei answered in a monosyllabic tone.
"Bakit nga? Ipaintindi mo kung bakit ayaw mo?" may halong panggigigil na tanong ni Tsina.
Ako kaya ang pinag-uusapan nila? What truth? I know, eavesdropping is bad but I am curious.
"Pwede namang hindi na sabihin? What she doesn't know wont hurt her. Tapos na, nangyari na, naayos na, bakit kailangan pang sabihin sa kanya? Magugulo lang ang utak nya." May halong inis ang tono ng pananalita nya.
"But it can also be the solution to your problem." I know Tsina, like what kuya said, she doesn't give up and she loves to argue or debate a lot. Hindi ka nya tatantanan until you see her point on the issue.
"Paano kung hindi? Paano kung makagulo lang? Unti-unti na akong nakakapasok sa buhay ng mag-ina ko and I don't want to take the risk of telling her my story. She might disappear with my son. Kung maiiwasan ko din namang mangyari iyon, bakit hindi di ba? It is safer this way." pangangatwiran nya.
"Unti-unti kang nakakapasok sa buhay ng anak mo, Oo. Pero kay Frances? I doubt it. Iba ang anak mo, iba si Frances. Yung anak mo, bata pa yon, madali lang kuhain ang loob non, kahit ang yaya ni Franz, kayang paamuhin ang anak mo, pero si Frances? Mahirap iyon kaya mas mabuti nang alam nya kung anong pinanggagalingan ng ugali mo." Si James naman ang narinig kong nagsalita. Now they got my full attention. Sigurado na ako na ako at ang anak ko ang pinag-uusapan nila.
Hindi ko naiintindihan kung ano man iyon kaya imbes na umalis ay lalo ko pang pinag-igihan ang pakikinig.
"Quit it James. My decision is final. Hindi na nya malalaman iyon. Kukuhain ko ang mag-ina ko, bubuo kami ng masayang pamilya, sa paraang alam ko." Matigas na sabi ni Andrei. He always used that tone of his to me before. Yung tonong sya lagi ang tatapos ng usapan, yung tono na nasa kanya ang huling desisyon.
Ang sarap sanang pakinggan ng sinasabi nya. 'kukuhanin ko ang MAG-INA KO' at 'bubuo kami ng masayang pamilya' – the way he said it, para bang mahal nya kami ng anak namin, para bang pamilya nya talaga kami pero napipigilan yung tuwa na nararamdaman ko dahil alam kong may itinatago sya sa akin.
Tanggap ko naman na hindi nya talaga ako mahal at ginawa lang nya ang mga ginawa nya sa akin doon dahil sa kapatid nyang si Tsina, pero bakit parang ang sakit pa din malaman na wala syang tiwala sa akin?
Siguro, kasi, kahit kailan naman, hindi naging maganda sa pakiramdam na yung mga tao sa paligid mo, may itinatago sa'yo. Yung mga tao sa paligid mo, may ayaw ipaalam sayo dahil hindi ka nila pinagkakatiwalaan.
Nasa ganoong pag-iisip ako noong biglang bumukas ang pintuan at saka iniluwa niyon ang tatlong taong nag-uusap sa loob na pare-parehas na nagulat pagkakita sa akin.
Hindi ko na namalayan, ni hindi ko na nga narinig ang iba pa nilang pinag-usapan.
Mabilis akong tumalikod at nagtatatakbo pabalik sa kwarto at mabilis na ini-lock iyon. Nawala na din sa isip ko ang pagka-uhaw ko.