Her Version 02

6.7K 122 3
                                    

Hindi ko alam kung ano ba kami ni Andrei, ang akala ko kasing one night stand namin ay nasundan pa ng nasundan. What are we? F*ck Buddies? Walang label ang kung anuman kami, he made it clear that he don't do the girlfriend thingy, so doon pa lang, wala na akong pag-asa. He even said that he is not the marrying type. Una pa lang, sinabi na nya na wala akong aasahan sa kanya aside from a good f*ck that he can give. Fling. That's what I am to him.


I don't know what I am feeling but I am willing to settle for anything that he can give. Mahal ko na ba sya? Siguro.


"Hey, I need to go." Paalam nya at saka nagmamadaling umalis. Ni walang paliwanag kung saan sya pupunta o kung anong oras sya babalik. Basta na lang nya ako iniwan sa Pad nya.


Dito na ako halos tumira. Wala naman problema sa bahay dahil ang alam nila ay nasa sariling condo ako. My kuya gave me that unit on my twenty first birthday.


Nasanay na ako kay Andrei na bigla-biglang umaalis o nawawala. Sabi nya minsan ay business daw. Hindi ko nga alam kung paano nya napapatakbo ang mga business nya at nagagawa nya lang tumunganga ng buong araw. May kakausapin lang sya sandali sa phone pagkatapos ay okay na, samantalang ang Kuya ko, halos doon na minsan matulog sa office nya.


I decided to go to our Company dahil nababagot na ako. Akala ko ay mabilis lang si Andrei, pero nainip na akong kakahintay ay wala pa din sya.


Nakita ko ang girlfriend ng kuya ko! Grabe! Ang ganda nya! Tapos mukhang mabait. Seryoso ba ito? May pumatol sa kuya ko na ganito?


"Well, my kuya is handsome naman, add the fact that we're rich, kaya habulin talaga sya, but I know his type of girl. Gusto nya iyong mga slutty-kind-of sexy girl. Pero iba ito, mukhang disenteng babae. Hindi naman sa hindi sya sexy, kaya lang kagalang-galang talagang tignan, yung tipong magdadalawang-isip kang bastusin.


Mabait din sya at saka napapasunod nya si kuya which is so unusual dahil ang kadalasang babae ni kuya ay yung mga isang tingin lang nya ay tiklop agad. Parang ako kay Andrei, lahat ng sinasabi nya ay oo lang ako. Sinasakyan ko ang trip nya. Sunod-sunuran ako sa kanya, ganun kasi ang gusto ng mga lalaki diba? Iyong sinusunod sila. Pero kay ate Tsina, ibang klase, napapasunod nya ang kuya ko. Si Mama nga, iniiyakan na si kuya, hindi pa din sya sinusunod minsan eh, tapos kay ate Tsina, sunod agad sya?


Kaya din siguro ayaw ni Mama kay ate Tsina, nagagawa kasi nito kay kuya ang hindi nagagawa ni Mama. Hindi din iniintindi ni Kuya ang mga rants ni Mama about kay Ate Tsina. Hindi ko lang alam kung may malalim na pinaghuhugutan si Mama sa pag-ayaw nya dahil approved naman kay Papa at Lolo ang girl friend ni Kuya. Baka nagseselos lang. Hihi.


Nakabalik na ako't lahat sa condo ay wala pa din si Andrei. Hindi ko din ma-contact ang phone nya. Out of coverage area. Wala kayang signal ang phone nya o sadyang pinatay nya ang unit nya para hindi sya matawagan?


Geez. I am going crazy about him. Nababaliw na ako. I think I'm in love with him. Nakatulugan ko na ang paghihintay at nagising na lang ako na buhat na nya ako papasok sa kwarto.


Saglit lang naman pala akong nakatulog dahil mag-a-alas otso pa lang ng gabi.


Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon