His Version 32

5K 111 58
                                    

Lee's Note:

Sorry guys for the very very long wait. Sorry for keeping you guys waiting for months. My hands are tied with lots of work. Pero gaya ng lagi kong sinasabi, lahat ng naumpisahan ko dito sa wattpad, tatapusin ko  No matter how long it'll take. Just bear with me a little more please. Thank you sa mga naghihintay pa din ng update. Sa naniniwalang mag aupdate pa ako kahit sobrang tagal ng wala. Thank you for your kind words and compliment. Basta Thank you! Thank you. 😘 Eto na. Here's the update.

p.s. did not proofread it yet because I was so excited to update. Lol.

p.p.s. hope to update again the soonest possible time.

Here it is.

------

Biglang bumukas ng pinto at agad na nanlaki ang mata ko sa sumalubong sa akin.

"Papa! Ang tagal mo mag wake up!" sabi nya habang tumatakbo palapit sa akin. Mabilis ko syang sinalubong at saka niyakap. I embraced him protectively. Agad akong nakahinga ng maluwag noong masiguro kong maayos lang sya.

"Why are you here Princess? Who brought you here? Where is uncle James?" I asked her in a small voice just to make sure no one can hear us.

"Papa Ang dami mo question tapos bakit ikaw nagwhiwhispher?" she asked innocently

"Just answer my question princess." I said calmly. Ayoko syang takutin o anuman. Sa palagay ko, hindi  naman sya sinaktan ng mga kumuha sa kanya. Wala naman akong nababakas na takot o anopaman sa kanya, parang normal lang ang lahat.

"Uncle James brought me here. He said you missed me so much and you want to spend a vacation with me. Uncle James is downstairs, preparing our breakfast, he asked me to check on you that's why I am here." Mahaba nyang sagot na para bang nagkikwneto lang sya. F*cking bastard! Hindi nya alam kung anong kaba ang nararamdaman ko.

"Let's go downstairs then, so we could eat our breakfast." I said smiling widely. Pero sa utak ko ay sinasakal ko na si James. Kinarga ko na sya para mabilis kami makababa

"Papa, sabi ni Uncle James, pag mabait daw ako at mag pray before mag sleep, igagrant daw ni Papa Jesus yung wish ko na magkaroon ng bagong Mommy at baby brother. Totoo po ba iyon?" she asked curiously, sinilip pa nya ang mukha ko para siguruhin na nakikinig ako sa kanya.

"Oo naman princess. Basta tulungan mo lang si Papa na mag pray para ibigay agad ni Papa Jesus si Mommy Frances at baby Dean sa atin, okay?" naging sunod-sunod naman ang pagtango nya sa sinabi ko.

"Pa! Papa! May names na agad ang bago kong Mommy at Baby brother? Ang bilis!" natutuwa nyang sabi.

"O mag pray muna kayo bago kumain, para mas mabilis ang sagot ni Papa Jesus." Malokong singit ni James sa usapan. Agad ko naman syang sinamaan ng tingin.

Hindi ako natutuwa sa pang-aasar nya at lalong hindi ako natutuwa sa ginawa nya sa akin. Kailangan pa talagang patulugin ako at pakabahin ng sobra sobra.

"We'll talk later, bastard." Bulong ko pero hindi pa din iyon nakatakas sa pandinig ng anak ko.

"Ay, Bad sya! Bad ka papa! Nagmumura ikaw!"

"Sorry princess. Papa is just kidding." Palusot ko, si James naman ay tatawa-tawang iniwan kami.

Nang matapos kumain ay kinuha na ng isang kasambahay ang anak ko at liluguan na daw nya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na harapin si James.
Nakatanaw sya sa dagat, sinigurado kong hindi nya mararamdaman agad ang presensya ko pero bigo ako. Mabilis syang nakailag bago ko pa man sya masapak o mabatukan man lang. Tatawa tawa sya habang lumalayo sa akin na nakataas ang dalawang kamay. He is still the best agent.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon