Her Version 13

5.1K 118 8
                                    

Update ulit. Hihi. Ipilit ang update kahit isang mata na lang ang dilat. Ganyan ko kayo kamahal guys. Hihi. Happy Reading! Goodmorning.


***


There are always three sides of the story – your side, his side and the truth.


Pero sa kaso namin, alam namin parehas ang katotohanan ng nangyari, sa kanya mismo nanggaling kung bakit nya ginawa ang mga ginawa nya noon. Hindi na kailangan pa ng paliwanagan.


Ang tanong, kaya ko bang patawarin sya? Kaya ko bang isantabi ang mga nangyari sa nakaraan para sa kinabukasan ng anak ko? Kakayanin ko bang makisama sa kanya para sa anak namin? Kakayanin ko ba para mabigyan ng buong pamilya ang anak namin?


There are so many what ifs that is running through my head right now. What if piliin kong kayanin? Will it guarantee me that my son will have the best that he can have? Hanggang kailan? Will it last? Paano ako? Paano kapag nakahanap si Andrei ng ibang babae na gugustuhin nyang makasama bilang pamilya? Hindi ba maiitsapwera na naman kami ng anak ko?


"Goodmorning, Mimi! I love you!" masiglang bati sa akin ng anak ko sabay halik sa akin. Hindi ko namalayan na gising na pala ang bata sa tabi ko.


"Morning baby, I love you too, you're early huh?" I answered sweetly.


"Let's go downstairs Mimi, we need to eat our breakfast fast so Dad can bring us to the falls." He said excitedly, kaya pala kagigising lang ay Magana na talaga.


Magkahawak kamay kaming bumaba ng hagdan par asana kumain pero may ibang eksena na sumalubong sa amin.


Biglang bumukas ang main door at may sumulpot na bata.. na sumisigaw at tinatawag si Andrei.


"Papa Love! Papa Love! We're home!" bibong sigaw ng bata. Nasa likuran nya ang magulang nya na nakangiting nakasunod lang sa anak nila.


"Franz! Uncle! Auntie Tsina!" nauna ng bumati ang anak kong namimilog ang mata pagkakita pa lang sa mag-anak.


Mabilis syang bumaba ng hagdan at saka nagmano kay Kuya at Tsina pagkatapos ay nakipag apir sya kay Franz.


Mabuti pa ang mga bata, walang gaanong problema, walang kumplikadong iniisip, walang mabibigat na dinadala. Nawala lang ako sa iniisip ko noong biglang sumigaw si Franz.


"Papa Love!" hiyaw nya saka mabilis na tumakbo patungo kay Andrei, dinamba nya ang tiyuhin na sinalubong naman ng huli.


Kinarga nya ang bata at inikot-ikot sa ere.


"Papa Love! Baby love miss miss you so much!" malambing na sabi ng bata at saka pinaulanan ng halik ang Papa nya.


Agad akong napatingin sa anak ko na nahuli kong nakatingin sa Papa nya at sa anak ni Kuya.


Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon