Her Version 06

5.2K 134 0
                                    


Ilang linggo na ang lumipas ay hindi na ulit ako tinawagan ni Kuya, siguro nga ay galit din sya sa akin. Baka nga iniisip na nun na tama lang ang ginawa ni Andrei sa akin dahil sa ginawa ko sa mag-ina nya.


Hindi ko naman alam na kapatid ni Tsina si Andrei, masyado silang sweet noong nakita ko para maging magkapatid.


Siguro nga ay nagpadalos-dalos ako sa ginawa ko noon, pero tao lang ako, nasasaktan din, nagkakamali. Pero kung sinabi lang ni Andrei ang totoo nilang relasyon ni Tsina sa akin, hindi sana aabot sa ganito! Sana ay ako pa mismo ang umayos sa gulong ginawa ko.


Wala sanang nasayang na panahon, buo sana ang pamilya ng kapatid nya, pero hindi! Mas pinili nyang gantihan ako, mas pinili nyang saktan din ako at ang sarili nyang anak! Sana ay kinompronta na lang nya ako.


"Morning Mimi, Uncle Franco called while you were sleeping." My son told me as soon as I opened my eyes.


"Morning too, baby. Did Uncle told you his reason for calling?" I asked him sweetly before kissing him on his temple.


"Uncle will call later again. He's asking me if I want to go home in the Pihilippines Mimi." Kwento ng anak ko na ikinagulat ko. Bakit nya tinatanong ang anak ko kung gusto naming umuwi sa pilipinas?


"Uh, okay, what did you answer baby?" I asked carefully.


"I told Uncle that I like to.. but it's still up to you Mimi." Bibong sagot ng anak ko. Siguro ay nahalata na nyang ayokong umuwi ng Pilipinas. Sa ilang beses na pagdalaw kasi ni Kuya, Mama at Papa ay palagi nila akong kinukumbinsing umuwi na sa amin pero tumatanggi ako.


Almost lunch na noong tumawag ulit si Kuya, kakatapos ko lang maligo at naabutan kong kausap nya ang anak ko na tuwang-tuwa.


"Uncle, Mimi's already here!" My son informed him noong makita nya akong palapit na sa kama. Agad nyang inabot sa akin ang phone.


"What is it Kuya? Ayokong umuwi." Sabi ko. Sinadya kong magtagalog para hindi maintindihan ng anak ko.


"I am planning to give Tsina a Church Wedding, gusto ko sanang nandito kayo ng pamangkin ko sa araw na yon." Masayang sabi nya. Halatang halata sa boses nya ang kasiyahan.


"What? No way! You can marry her all you want pero please lang! Wag mo ng ipilit na nandoon ako at ang anak ko!" Mataas ang boses na sabi ko, hindi ba sya nag-iisip? Kung pupunta ako, paniguradong makikita ko si Andrei doon! At makikita din sya ng anak ko! No way!


"Brat, please, dalawa lang tayong magkapatid tapos wala ka pa?" pamimilit ni kuya.


"Naririnig mo ba ang sarili mo kuya? Alam mo ba iyang sinasabi mo?" naiirita kong tanong. Parang sarili lang nya kasi ang iniintindi nya. Hindi ba nya naiisip ang mararamdaman ko kung sakali?


"Frances, it's been five years.."


Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon