Her Version 27 (Part 2)

2.8K 98 22
                                    

As I am about to walk down the stairs, I heard people talking somewhere.

Parang nagsisigawan kasi sila. Naglakad ako sa kabilang pasilyo dahil parang doon nanggagaling ang boses. Sure ako na isa sa mga boses na naririnig kong sumisigaw ay kay Kuya.

"No Franco, no one can stop me, not even you." mataas ang boses na sabi ni Tsina.

"Tsin, Calm down. Trust Sean. He can fight his own battle." That's James' voice. Hindi ko balak pakinggan ang buong usapan nila but his name is enough for me to stay where I am to hear more f their conversation.

"Hindi nyo kasi kapatid ang haharap sa demonyong yon, kaya hindi nyo naiintindihan ang nararamdaman ko. All my life, he's the one keeping me safe. Tapos ngayon, eto na naman. Kailangan na naman nyang isapanganib ang buhay nya.." Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil binuksan ko ang pinto at malakas iyong bumalibag.

Galit na galit ako. Kay Andrei, sa kapatid nya, sa kay Franz. Sila ang may kagagawan ng paghihirap ko at kung bakit ilang taong walang ama ang anak ko.

"Where's Andrei?" I asked to no one in particular but I am expecting one of them will answer me.

Nanatili silang tahimik at nakatingin lang sa akin.

"This is all about you again, am I right?" galit na tanong ko.

"Inuuna na naman nya ang ibang tao kesa ayusin nya ang sariling problema, tama ba?" galit na galit ako. I wanna lashed out to any body available at this moment.

"Frances, it's not what you think it is." Si kuya ang unang naglakas ng loob para magsalita.

"No. I won't hear any of your excuses. Syempre, asawa mo at anak ang involve dito, kaya kakampihan mo sila." mapang-uyam kong sabi. Hindi ko na sila hinayaan makasagot. Basta ko na lang sila tinalikuran.

Hahanapin ko ang anak ko at aalis na kami dito sa islang to. Hindi ko na kaya pang makasama ng mas matagal ang mga tao dito. Babalik na lang kami sa US. Mas tahimik ang buhay namin doon.

Noong makita si Dean na nakikipaglaro kay Franz ay agad ko siyang kinuha. Nagpahatid kami sa Villa ni Andrei para kuhain ang mga gamit namin, halata sa mukha ng anak ko ang pagkalito sa nangyayari pero hindi sya nagtatanong at tahimik lang sa tabi ko.

"Where are we going Mimi?" He asked, pababa na kami sa hagdan, bitbit ang gamit namin habang hawak ko sya sa kabila.

"We're going home to US baby." sagot ko.

"Sa tingin mo makakaalis kayo basta basta dito?"  James said out of nowhere. Sinundan nya pala ako.

"Sa tingin mo may makakapigil sa akin?" I asked back sarcastically.

"Pwede kang umalis pero hindi me pwedeng isama ang bata." mapaghamon nyang sabi bago binalingan si Dean.

"Young man, you can play with Franz now, while I'm talking to your mimi." nakangiting utos nya sa bata, hindi naman sya nagdalawang salita at agad itong umalis para balikan si Franz.

"Walang aalis. Hindi ka makakaalis unless kaya mong languyin ang dagat. At lalong hindi mo pwedeng isama ang bata sa paglangoy." nag-init ang mukha ko sa gusto nyang palabasin.

"What do you mean? This is illegal detention!" I asked almost hysterical.

"This is for you and your son's security. Don't you have any regards for your safety? Okay, hindi na lang sayo. Don't you have any regards of your son's safety?" parang nauubusan ng pasensyang tanong nya, napapasabunot din sya sa sarili.

"Don't you dare question me about my son's welfare and safety." I said in gritted teeth. Ako pa na ina ng bata ang tatabungin nya? Bakit hindi nya tanungin ang ama nito na lagi silang iniiwan para sa kapakanan ng ibang tao?

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon