"Mimi." Tsup "Mimi" Tsup. Nagising ako sa ginagawang matunog na halik ng anak ko. Agad naman akong napangiti pagdilat. Nakaidlip din pala ako.
"Mimi, I want to play basketball with Uncle James." He said then pout his cute lips.
"Sure baby, let's go downstairs." Pagpayag ko. Andrei and I already had an agreement kaya wala na akong rason para iiwas ang anak ko.
Pinanood ko lang silang maglaro habang nakaupo ako sa terrace. Child friendly ang lugar na to pero wala naman akong makitang mga bata.
"Our son really loves to play basketball." Naputol ang pag-iisip ko noong biglang may nagsalita sa gilid ko. Gusto ko man syang irapan ay pinigilan ko ang sarili ko dahil may kasunod syang dalawang babae na may bitbit na tig-isang tray.
Ang isa ay puno ng pagkain at ang isa naman ay may isang pitcher ng fresh mango juice, I guess which is by the way my favourite, another pitcher of water and yung isang pitcher ay may lamang orange juice.
"James! Dean! Merienda muna tayo!" Aya nya doon sa dalawang hindi ata napansin ang presensya nga. Agad naman tumigil ang dalawang tinawag at mabilis na lumapit.
"Mimi! I want clubhouse sandwich and orange juice please!" Dean said as he saw the foods on the table.
"Sure baby." Sagot ko at saka kinandong ang anak ko. Hanggang bata pa ay sasamantalahin ko ng nabubuhat ko at nakakandong ang anak ko. Alam ko naman na kapag lumaki na ito ng kaunti ay maiilang na ito kahit pa sa simpleng yakap ko lang.
"Dean, baka nabibigatan ang Mommy mo sa'yo. Dito ka na lang sa tabi ko." Andrei said while pulling the chair near him.
"No, it's okay baby. Dito ka lang sa akin." Mabilis kong sabi noong tumingin sa akin ang anak ko. Pasimple ko ding sinamaan ng tingin si Andrei habang si James naman ay iiling-iling lang.
Noong matapos ang merienda ay inaya na naman ng anak ko ang tito James nya na maglaro pero tumanggi ang huli dahil masama daw sa bagong kain yon. Sumimangot ang anak ko kaya inaya na lang ito ni James na pumasok sa loob ng bahay at may ipapakita daw ito sa bata.
"Kailan mo balak ako ipakilala sa anak natin bilang ama nya?" tanong ni Andrei noong tuluyan ng makalayo ang dalawa.
Gusto kong mapaismid sa tanong nya. Really huh? Anak natin? E ipinagtabuyan nga nya kami dati! Asshole!
"Ano kaya ang magiging reaksyon ng anak natin kapag nalaman nya ang totoong dahilan kung bakit ngayon lang nya makikilala ang Papa nya?" balik tanong ko. Pinakadiinan ko pa talaga ang salitang "anak natin" to give emphasize sa ginawa nyang pagtanggi sa anak ko dati.
Pain and panic suddenly got visible on his face. Is he really scared? For real? Hindi kaya pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko? O baka naman umaarte na naman ito?
Come to think of it. Kuya and Tsina got back together again. Hindi kaya iyon na naman ang dahilan ng pakikipaglapit nya sa akin at sa anak ko?