Her Version 09

5K 115 0
                                    


Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagbabasa. Tumayo lang ako noong bandang alas dos ng madaling araw noong makaramdam ako ng uhaw. Mabuti at may personal ref dito kaya hindi ko na kailangang bumaba.


Mag-aalas tres na noong sumakit na ang mata ko kakabasa pero hindi pa din ako dalawin ng antok kaya naisip kong uminom ng fresh milk. May nakita akong carton ng gatas sa ref eh.


Agad akong tumayo para kumuha pero nadismaya ako noong malamang walang laman iyon! Halos ibato ko ang carton ng gatas na walang laman. Sinong tanga naman ang maglalagay ng carton ng gatas na walang laman sa ref diba? Sa basurahan na dapat inilalagay iyon!


Dahil sa kagustuhan kong makatulog ay napilitan akong bumaba para maghanap ng gatas. Hindi na ako nagabala pang magbukas ng ilaw. Noong makarating ako sa kitchen ay agad kong binuksan ang ref para humanap ng gatas. Laking tuwa ko naman na madami pala dito sa baba.


Nagsalin ako sa baso at ipinasyang dito na lang din inumin. Saktong nakadalawang baso ako noong ibalik ko ang carton sa ref. Doon ko din nalaman na hindi ako nag-iisa sa kitchen. May tao doon! Naaninag ko galing sa liwanag ng ref.


"Si-sino iyan?" kinakabahan kong tanong. Napaatras pa ako ng ilang hakbang noong tumayo sya mula sa kinauupuan. Lalaki! Ito ba iyong driver na kidnapper na epal?


"It's just me, don't be scared." Said by a very familiar baritone voice.


Hindi na ako nakapag-isip. Sa galit ko ay agad ko syang sinugod at pinagsusuntok. Wala akong pakielam kung saang parte ng mukha o katawan nya tumama ang kamao ko, ang importante ay masaktan ko sya.


"Hayop ka! Walanghiya kang hudas ka! Ang kapal ng mukha mong gawin sa akin to! Pagkatapos ng lahat lahat ano? Hindi pa sapat yung pananakit mo sa akin kaya ginawa mo to? Gago ka! Gago ka! Gago ka!" halos hindi humihingang sabi ko. Ang pinupuntirya ko talagang tamaan ay iyong mukha nya.


Hindi naman sya umiilag o sinasalag man lang ang mga suntok ko. Hinayaan lang nya ako sa ginagawa hanggang sa ako na mismo ang napagod at tumigil. Gusto kong umiyak pero walang luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Siguro ay naubos na iyon sa ilang taong nagdaan.


"I know, sorry is not enough, and if punching me makes you feel better, I'll let you do it many times over but please, please, wag mo sana isipin na ginagawa ko ang mga ginagawa ko para saktan ka ulit." He said it in his most sincere tone but I know better, alam kong magaling syang umarte kaya hindi ko sya dapat paniwalaan.


"Wow. Should I believe you? The last time I did almost caused me my sanity." My voice is full of sarcasm. Hindi naman kasi namin makita ang mukha ng isa't-isa sa dilim kaya sa tono ng boses na lang ko na lang dinadaan.


"Frances, I know.."


"Ay ano ba iyan? Bakit sa dilim naman kayo nag-uusap?" naputol ang dapat nyang sasabihin noong biglang bumukas ang ilaw. Nagulat pa si Manang noong makita kami.


"Okay lang ho Manang, uminom lang naman ako ng gatas, aakyat na ho ako." Mabilis kong paalam at saka nagmamadaling umalis doon.

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon