Her Version 07

5.1K 125 3
                                    

Naalimpungatan ako noong maramdaman kong may gumagalaw sa labas ng kwarto. Nasa hotel pa din kami with two bedrooms.


Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Pinasok na ba kami ng masasama ang loob? Alam kong Hotel ito pero hindi naman imposible ang naiisip ko.


Sa pagkakaalam ko din ay maganda ang Security ng Hotel na ito kaya dito ko napiling mag check in.


Alas tres pa lang ng madaling-araw ayon sa glow in the dark na wall clock kaya imposibleng ang yaya ni Dean ang nasa labas. Ano naman ang gagawin nya sa labas ng ganitong oras kung sakali? May sariling bathroom ang kwarto at mat personal ref din kung nauuhaw.


Dahan-dahan akong bumangon kahit na sobrang kinakabahan ako. Halos marinig ko na ang kabog ng dibdib ko sa katahimikan ng gabi. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at naghanap ng pwedeng pang self-defense gamit ang liwanag lamang na nanggagaling sa labas. Ayokong malaman ng kung sino mang nasa labas na gising ako kaya hindi ako nagbukas ng ilaw.


Wala akong maaninag kundi ang lamp shade sa side table na pwede kong ipanghampas kung sakali. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, sinasanay ko ang mata ko sa dilim, noong tingin ko ay pwede na ay marahan kong binuksan ang pinto ng hindi gumagawa ng ingay.


Wala na iyong kumakaluskos pero noong inilibot ko ang mata ko sa madilim na paligid ay may naaninag akong bulto ng tao na nakahiga sa couch!


Hindi na ako nakapag-isip. Mabilis ang naging kilos ko at malakas na hinampas ko sa kanya ang lamp shade na hawak ko nung makalapit ako sa kanya.


"What the f*ck?" nabiglang sigaw nya kasabay ng pagbangon nya. Nataranta ako kaya naisip ko na hampasin ulit sya ng sira-sira ng lamp shade pero naunahan nya ako, mabilis ang kilos nya at nahatak nya ako ng malakas dahilan para mabitawan ko ang hawak ko at masubsob ako sa kanya! Mabilis naman nyang tinakpan ang bibig ko para mapigilan ang pag-iingay na balak ko sanang gawin.


Mabilis ang mga galaw nya kaya wala akong nagawa noong mapagpalit nya ang pwesto namin. Ako na ang nakahiga at nakadagan naman sya sa kin.


Oh my God! Marerape ba ako tapos ay papatayin pagkatapos? Paano ang anak ko? Hindi pwede! Sigaw ng utak ko dahil hindi ako makasigaw ng literal na sigaw.


Kinagat ko ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko pero noong akmang sisigaw na ako ay maagap nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang bibig nya! Tama ang hinala ko! Manyak ang isang to!


Ang isang kamay ko ay malayang binabayo ang likod nya pero parang hindi nya iniinda iyon.


"Shut up! You'll wake the dead sa sigaw mo!" he hissed while me, on the other hand, stiffened. I know that voice!


"What the f*ck? Get off me asshole!" mahina pero madiin at pagalit kong sabi noong makabawi ako sa pagkabigla. Ang kapal ng mukha ng hudas na ito! 'malamang, may hudas bang mahiyain?' bulong ng utak ko.


"No, I love our position right now. Me on top of you." He said playfully. "I missed this" he added/

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon