His Version 21

3.9K 96 12
                                    

Hello guys! As usual, matagal na naman ang update. Sorry na. Haha. Isosorry ko na din po dahil ito ay unedited at hindi ko pa naproofread. Sorry for the typo error or whatever error na makikita nyo. Pagtyagaan nyo na to, wala naman kayo magagawa. Hahahaha. At saka sa mga nagbabasa nito na binabasa din ang My Little Bride, konting tiis na lang po, dadaloy din ang ginhawa. Haha. Joke! Update ko na later kung kakayanin pa ng isang mata kong dilat.  Happy Reading!


***


Kitang kita ang pagkamangha sa mukha ni Frances sa nakikita nya noong pumasok kami sa isang kwarto na punong-puno ng laruan.


"Wow! Big toys!" tuwang tuwang bulalas ng anak ko. Hindi nya malaman kung ano ang uunahing hawakan sa mga iyon.


Maliit na kotse, bike, scooter na pambata, mas malaki pa sa anak ko na mga action figures, mga de remote na copter toys at napakalaking train. Lahat ng mamahaling at magagandang laruan, name it, at nasa kwarto na ito iyon.


"Baby, careful, you might scratch them." Saway nya sa anak namin na panay ang hawak sa mga laruan.


"It's okay son. The toys here are all yours" sagot ko, halos lumuwa ang mata nya sa sinabi ko. Yung tingin nya sa akin ay para bang bigla akong nagkaroon ng dalawang ulo.


"Huwag mong paasahin ang anak ko, baka dumating ang totoong may-ari at pag-awayan pa nila iyan." Saway nya sa'kin. Hindi ko naman alam kung sino ang sinasabi nyang totoong may-ari e, e binili ko ang lahat ng ito para sa anak naman talaga namin


"Ang anak natin ang totoong may-ari ng lahat ng 'to." Kunot-noong sabi ko. Sino bang nasa isip nyang may-ari nito.


"Paano ang anak ng kapatid mo? Hindi ba sya ang gumagamit nito?" sagot nya, bakas ang galit sa tono nya. And I am guilty. Alam kong galit sya hindi kay Franz kundi sa naging sitwasyon. Galit sya dahil sa nawala sa anak namin ng ilang taon. I know, it's all my fault. I should have fixed the trouble long time ago.


"Hindi, may sariling laruan si Franz. Itong mga laruan na to ay para talaga sa anak natin, wala pang ibang nakakagamit." Totoo ang sinasabi ko.


Yes, I did spoiled Franz in so many ways pero lagi akong merong binibili na para sa anak ko. Kung minsan ay mas madami pa nga akong nabibili at itinatago ko lang dito lahat. Hindi ko inisip na makikita pa ito ng anak ko. And I am so happy na inipon ko ito dito. I even bought us a couple shoes. Isang rubber shoes iyon na may mini version.


"Alam ko ang iniisip mo and I'm sorry for making you feel that way." I said sincerely. Tumango lang sya at saka pinanood ang anak kong tuwang-tuwa sa mga nakikita nyang laruan.


"Mimi! Look! Amazing!" agaw ng atensyon ng anak ko habang pinalilipad ang copter na de remote.


"Baby, you wanna try to ride this?" tanong ko sa anak namin habang tinatapik ang top down na kotse. Walang bubong iyon, medyo maliit lang ng konti sa totoong kotse. Pinasadya ko ito. Meron din si Franz pero mas maganda ang details ng ipinagawa ko para sa anak ko. It's almost a real car but child friendly.

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon