His Version 26 (Part 1)

2.8K 86 14
                                    

Nasa tabing dagat na ulit kami. Nakaupo sa blanket na nilatag ko kanina.

As much as I want to stay at the waterfalls, mas pinili ko ang tabing dagat at para na din makapagbihis si Frances. Medyo malamig kasi ang tubig sa falls at halatang nilalamig na din sya.

"Hindi ko alam kung san magsisimula."

"You can start anywhere you want." sabi nya habang binubuksan amg basket na may lamang pagkain. Halos tanghalian na din kasi kaya baka nagugutom na sya.

"Should we eat first?" kinakabahang tanong ko.

"Are you hungry again?" taas kilay nyang tanong. Kakakain ko lang kasi.

"No. But you are." i answered.

"You can start while I am eating. Hindi naman bibig ang gagamitin kong pandinig." she said sarcastically

"I'm living a dangerous life ever since." panimula ko

"Since we were kids, madami nang nagtatangka sa buhay ng pamilya ko. We had an staged accident when I was in grade school. Our parents died. Fortunately, Tsina and I were alive. We were saved by my father's solicitor. And in order to keep us safe. Pinaghiwalay kami. Pinaniwala ako na ako lang ang nakaligtas sa aksidente at ganun din si Tsina."

"I was in college, when I learned that my sister is alive, but we decided to keep it that way. We share the same mission. Iyon ay ang pagbayarin ang gumawa sa pamilya namin ng krimen. Tsina's plan is to enter the agency to get the connections and power that we needed. Bilang kapatid nag-alala ako, ayaw nyang magpaawat kaya sinamahan ko na lang sya. That way, I can protect her. That's where I start being ang agent." hindi ko mabasa sa mukha nya ang iniisip  nya.

"I am an elite secret agent and became the best jet fighter pilot. No one knows who Eagle is. Yes kilala namin ang isa't-isa pero ang code name ay hindi. Tanging ang boss lang sa taas ang nakakaalam. That's our protection." Tinignan ko ang reaction nya at halatang nakuha ko na ang atensyon nya. Tumigil na din sya sa kinakain.

"One day, I received a call from James. Telling me about Tsina's involvement with your brother. Nag-aalala si James, not because Tsina can't protect herself. Why, she is also one of the best agent of her time. Nag-aalala si James dahil alam nya na nahuhulog na ang kapatid ko sa kuya mo at ayaw nyang masaktan ito." Kitang kita ko ang gulat pero hindi sya nagsalita.

"That's when I decided to quit my job. Naisip ko na puro si James na lang ang nagbabantay sa kapatid ko, na sa tagal naming nagkahiwalay, maybe it's my time to look after her. But the agency didn't accept my resignation. Indefinite leave lang ang ibinigay sa akin. Noong umalis ako sa agency, hindi ko alam na may mole, I mean may spy na nakapasok sa amin. That's the time na nagkahint sila kung sino si Eagle. Kasabay ng pagkawala ko ang pagkawala ni eagle. It doesn't take a genius to figure it out. Lalo na kung ang spy ay matagal nang nakapasok sa agency."

"At mas lalo pa kung ang spy na yon ang partner mo ng ilang taon. Hindi mo talaga paghihinalaan. Noong time na iyon, tayo nagkakilala. I don't care if you are Franco's sister. Hindi mo kasalanan na naging kapatid mo sya. Sobrang humaling na humaling ako sa'yo. Ikaw lang ang kaisa-isang babaeng pinayagan kong makapasok sa condo ko bukod kay Tsina." kitang kita ko ang protesta sa mukha nya sa sinabi ko pero hindi sya nagsalita.

"Alam kong noong mga panahon na yon ay may nagmamanman na sa akin. Akala ko ay padala ng agency kaya hindi ako gaanong nag-aalala. Iniisip ko na pinapabantayan lang ako ng agency. Pag-uwi ko pa lang ng pinas ay may nagbabantay na talaga sa akin na galing sa agency kaya naman nalaman nila na may iba pang grupo na nagbabbantay sa akin. Doon na nila kinuha ang atensyon ko. Lahat ng nilalapitan ko ay alam nila. Humahanap sila ng pwedeng target. Humahanap sila ng kahinaan ko."

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon