Her Version 12

4.9K 106 1
                                    

Lee's Note: Abot pa ba sa sunday commitment of update ko? Hihi. Sorry na. May sakit po kasi ang inyong lingkod. Dapat ay kagabi or kanina pa sana to e kung hindi lang masama ang pakiramdam ko. Guys, no update muna ang My Little Bride ha? Hindi kinaya ng powers ko eh! Pasensya na sa mga maunawain kong readers ha?


Thank you for the support guys. Super appreciated. The reads, the votes, the comments, my 300+ followers. Thank you, Thank you, ang babait ninyo Thank you! Lol.


Happy Reading Guys. Wag magsawa sa paghihintay ng matagal na update okay? Hihi.


***


"Ang kapal ng mukha mong pangunahan akong magdesisyon para sa anak ko!" agad kong sigaw sa kanya noong makakuha ako ng tyempo. Lumabas kasi si James at isinama ang anak ko.


"Anak natin Frances." Mariin nyang pagtatama.


"Pasensya ka na ha? Hindi kasi ako sanay na may ka-share ako sa anak ko. Ilang taon kasi kaming nabuhay na ako lang ang kinikilala nyang magulang." I remarked sarcastically.


"Okay, I know it's my fault but can we at least compromise for our son's sake?" He asked humbly but I know better, alam kong umaarte lang sya. At ang kapal ng mukha nya para humiling ng compromise!


"Compromise? Kapal din ng mukha mo ano? Wala kang karapatan. Sa ating dalawa, ikaw ang dapat na mag-adjust!"


"Fine! I can come with you in the U.S. if that's what you want. Let's live there together."mabilis nyang sagot. What? Live together? Neknek nya! ANong akala nya? Mauuto nya ako ng ganun ganun na lang?


"Wait. Hold on there. Why don't you live alone? I can arrange visitation rights for you kapag nasa U.S. na kami. I don't want to live in one roof with you." Maanghang kong sagot.


"Frances, please, understand, I want to give our son the complete family that he deserved. Ayaw mo ba iyon? It's for our son's good. My intention is for his welfare." Malumanay nyang paliwanag. Dinadaan na naman ako sa drama nya at ginagamit pa nya ang anak namin sa kalokohan nya.


Anong akala nya? Makokonsensya ako sa mga sinasabi nya? No way! Alam ko naman na niloloko lang nya ako, na inuuto nya lang ako! Alam ko naman kung gaano sya kagaling magpasakay ng tao sa mga kalokohan nya!


"Stop using our son to get what you want. Please. Wag mong idamay ang anak natin sa mga kalokohan mo. Please lang."


"Kung kalokohan ang tawag mo sa kagustuhan kong mabigyan ng maayos na pamilya ang anak ko, then oo, kalokohan ito." Galit nyang sagot. Halos sabunutan na din nya ang sarili nya sa panggigigil.


"Bakit? Anong tingin mo sa akin? Hindi maayos na pamilya? Eh g*go ka pala e! Kung hindi ako maayos, sana, sinunod ko ang kagustuhan mo dati na ipalaglag na lang sya, kung hindi ako maayos, sana hindi ko napalaking maayos ng mag-isa ang anak ko! Kung sana, hindi ako maayos, wala tayo sa sitwasyong to ngayon! Lecheng buhay to!" Tuluyan na akong sumabog. Ako pa ba ang papangaralan nya sa ganyang bagay?

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon