His Version 17

4.1K 100 8
                                    

Hi Guys! Happy Sunday. Walang sawa po akong nagpapasalamat sa lahat ng nagbabasa ng mga gawa ko. The votes, the comments, the private message, sa mga nag follow, at sa mga nag-a-add ng story ko sa reading list nila, maraming maraming salamat po lalong lalo na sa mga matyatyagang naghihintay sa update. Pasensya na po kung may mga comment at message akong di narereplyan, hindi ko po kasi agad nababasa. Sa mga gustong magpadedicate nga pala, just comment or pm me. Salamat! :) Have a blessed sunday and an awesome week ahead. :) <3


****


"Saan ka na naman pupunta?" palabas na ako ng harangin ako ni Frances. Lately, nagiging nagger na sya. O baka dahil na din sa pakikitungo ko sa kanya.


"Dadalawin ko lang si Venisse." Maikli kong sagot dahil bad mood ako. Naiisip ko ang plano kong parang hindi ata inaayunan ng panahon.


"Bakit? May sakit ba yon para dalawin? May asawa na yon, nilalandi mo pa din?" angil nya. Tss. Such a nagger. Feeling ata neto e asawa ko sya.


"I am not in a mood, so please don't start with me" saka akmang aalis na pero nakaharang pa din sya sa akin at masama ang tingin.


"Hindi ka aalis and that's final." Matigas pa nyang sabi pero umiling lang ako at saka sya hinawi ng marahan paalis sa pintuan.


"Pag umalis ka hindi mo na ako makikita kasama ang anak mo na nasa sinapupunan ko!" she shouted and I automatically stopped on my tracks. Unti-unti akong lumingon sa kanya. Hindi makapaniwala. I made it! No, hindi ako masaya dahil magkakaanak na kami, masaya ako dahil makakaganti na ako para sa kapatid ko,


"Hindi akin yang bata sa sinapupunan mo. Ipalaglag mo yan" matigas kong sabi na ikinabigla nya. Bumuka at sumara ulit ang bibig nya pero walang lumalabas na salita mula sa bibig nya.


"Nagjojoke ka di ba? Nagjojoke ka lang di ba? Alam mong sayo to dahil wala naman akong iba at hindi ako maduming babae!." Lumapit sya sa akin at saka ako sinampal ng malakas noong nakita nyang hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.


"Let's end this, I don't want a baby with you, I don't want to have a baby unless their mother is Venisse!" I know I'm an asshole for doing and saying these things to her pero masaktan na ang masasaktan, kahit pati sarili ko, maiganti ko lang ang kapatid ko.


"Hayup ka! Anong ginawa ko sayo para ganituhin mo ako? Kahit na niloko mo ko wala kang narinig sa akin! Minahal pa din kitang gago ka! Kahit na pinapamukha mo sa akin na yung Venisse na yun ang first and only love mo, hindi ako nagreklamo! Tiniis ko yun tapos ganito lang ang mapapala ko? Ano? Anong kasalanan ko sayo?" umiiyak nyang sabi habang sinusuntok nya ng sunod-sunod ang dibdib ko. Hinayaan ko lang sya hanggang sa mapagod sya, pinilit ko ding maging blangko ang mukha ko.


"Ayoko nang maabutan ka dito sa unit ko pagbalik ko." Ang huling sinabi ko bago tuluyang umalis. Hinayaan ko syang umiiyak doon na nakalupasay sa sahig. Siguro nga heartless ako, pero bakit may parte sa dibdib ko na masakit? Bakit may parte ng utak ko na gusto ko syang balikan at sabihing biro lang ang lahat? Bakit ang hirap ihakbang palayo sa lugar na yon ang mga paa ko?


Dumiretso ako sa bahay nila Ven at nagpaalam na uuwi ng Farm, sinabi ko din sa kanila na dalawin nila si Tsina doon, kailangan ko lang mauna para maipaalam kay Tsina at tatawagan ko sila pag pwede na silang pumunta. Hindi ko na din sinabi na galing na ako doon almost two months ago para hindi na humaba ang usapan dahil paniguradong magtatanong sila. Agad din akong nagpaalam at nagdrive na ako pauwi sa Farm, kailangan kong umuwi doon ngayon dahil baka magbago pa ang isip ko.

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon