Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa loob ng bathroom pero noong naubos na ang luha ko at naayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako. Wala na akong Andrei na naabutan doon.
Thank God. I can't face him right now. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung may dapat ba akong sabihin. Alam ko naman na inaasar lang nya ko, but i burst out big time. Bigla nalang humulagpos ang matagal ko ng kinikimkim na sama ng loob.
Nahiga na lang ako sa tabi ng anak ko at hinayaan ang sarili ko na tangayin ng antok.
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa dalawang taong mahinang nag-uusap.
"Didi, Can't we wake Mimi up? I want to go swimming." halata ang pagkainip sa boses ng bata.
"Baby, we need to ask Mimi's permission first. Mimi might be tired so let's not wake her up okay?" malumanay na sabi nya. Unti-unti ako gumalaw ang nagkunwaring kagigising lang.
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata ng anak namin sa sobrang tuwa noong makita nyang nakadilat na ako.
"Yehey! Yehey! At last!" tuwang tuwang sabi nya at saka ako dinamba sa kama hindi pa man ako nakakabangon. Pinaliguan din nya ng matunog na halik ang buong mukha ko.
"Baby, you wake Mimi up because of your noise." natatawang biro ni Andrei sa anak.
"Mi, you aren't going to sleep again, are you?" biglang tanong ng bata.
"No baby, why?" sagot ko dahil parang nabawasan ang sigla nya.
"Didi promised me that we will go island hopping when you wake up." He answered while beaming at me. Hindi maitago ang excitement sa mukha ng bata. Sino ako para basagin iyon? Kaya mabilis akong bumangon para mag ayos na at maghanda na din ng mga dadalin namin.
"C'mon baby, let's wait for Mimi outside." aya nya sa anak namin, alam kong kasama namin sya sa kwarto pero wala pa din akong lakas ng loob na tignan sya dahil sa nangyari kagabi.
"We'll wait for you outside. Nakahanda na lahat ng kailangan, ikaw na lang ang kulang." baling nya sa akin. tumango lang ako ng hindi pa din sya tinitignan at saka mabilis na pumasok na sa bathroom.
True to his word, ako na nga lang ang kulang. Paglabas ko ng bahay, kung bahay man ang tawag doon sa malamansyong tinutuluyan namin ay nakasakay na ang mag-ama sa go kart. Pumalakpak pa ang bata noong makitang palapit na ako sa kanila. Si Andrei naman ay nagpipigil ng tawa.
Medyo natagalan kasi ako sa pag-aayos dahil hindi ko alam ang isusuot ko. Sa huli ay isang two piece bikini ang napili ko na stripe na kulay black and red at pinatungan ko iyon ng maxi dress.
"Let's have breakfast first before we proceed to our island hopping." sabi ni Andrei noong huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang restaurant. Tanaw doon ang napakagandang kulay ng dagat at ang mga nakahilerang mga bangkang de motor. Madami na din ang mga turistang nandoon.
Kung titignan ay para kaming isang buo at masayang pamilya. Nakapagitna sa amin si Dean na pareho naming hawak ang magkabilang kamay, patalon talon ang bata habang naglalakad kami.
"Di, i want fried rice and bacon please." hirit ng makulit na bata na tinanguan naman agad ng ama.
"I'll have clubhouse sandwich and brewed coffee." hindi ko na hinintay sa tanungin nya ako.
"How about you sir? Is it the usual?" the waitress asked that earned a sharp look from me. She is obviously flirting with Andrei. Todo kung makangiti at yung paraan ng pagsasalita ay parang extra sweet. Hindi mapigilang tumaas ang kilay ko.
"Clubhouse sandwich and brewed coffee na lang din. No cream, no sugar." sagot nya sa waitress habang nakatingin sa akin. Ni hindi nya nilingon ang waitress at tumango lang sya noong inulit ang mga orders namin. Inirapan ko lang sya ng palihim.