Lee's Note: Sorry for keeping you guys waiting. I accidentally misplaced my usb. Itinaob ko pa po ang bahay para makita ko. ^_^ Salamat sa pagtyatyaga. Hehe. Eto na. Goodmorning update ko sainyo. Thank you. And Happy Reading.
***
Ang haba ng byahe namin. Ang huling balita ko ay nakatulog na si Frances at nagising naman ang anak ko. Noong una ay maiiyak pa nga daw pero magaling si James sa bata kaya agad nya itong napatahan bago pa magising ang ina nito. Noong nag stop over kami para magpa gas ay bumaba ako para iabot ang pagkain na nabili ko sa isang fastfood na nadaanan namin kanina. Natigil ako sa pag-iisip noong marinig kong magsalita ang bibong bibo kong anak.
"Mimi I have a lot of French fries oh!" masayang sabi ng anak ko. Mukhang paborito nya ang French fries.
"Where did you get that baby?" nagpapanic na tanong ng Mimi nya. I find it cute, iyong pagtawag ng anak namin ng Mimi sa Mommy nya. Unique.
"Uncle James bought it for me Mimi!" masayang sagot nya, walang kamuwang-muwang ang anak ko sa totoong nangyayari sa kanila.
"Miss, kumain ka na." rinig kong sabi ni James.
"Wag mo na isiping tumakas. Kahit wala sila ay hindi ka makakatakas sa akin."Hindi ko alam kung anong ginawa ni Frances para sabihin iyon ni James.
"Uncle James, I didn't understand what you said, please speak in English" sabi ng anak ko na halos mabulol dahil parang ngumunguya pa ito.
"Sure, kiddo, I'm sorry, it's so rude of Uncle. I told your Mimi that she is beautiful." Natatawang sabi ni James. Bahagya pa akong nainis kahit na alam kong hindi naman talaga iyon ang sinabi nya kanina. Psh!
"Yes! My Mimi is beautiful but you can't court her Uncle!" seryosong sabi ng anak ko. He is really protective of his mother.Napangiti ako sa sagot na iyon ng anak ko.
"Why? You don't like Uncle?" kunway nalungkot na sabi ni James. Ang siraulo! Bantay salakay pa ata! Pigil pigil ko ang sarili ko na makipagpalit kay James, gusto ko na syang pabalikin sa kung saang lugar man sya nararapat.
"My Mimi is for my Didi only Uncle!"sagot ng anak ko. Good job anak. Ako ang Didi mo at sa akin lang ang Mimi mo.
"Okay, okay. Kiddo, I am not and will not court your Mimi okay?" natatawang sabi niJames. Mabuti na ang klaro.
"Okay Uncle." Sagot ng anak ko. Hindi ko na namalayan na nasa Farm na pala kami
"We're here!" malakas na sabi ni James
"Ang gagaling nyo din e no? Tinulugan nyo lang ako!" Asar na sabi ni James doon sa tatlong kasama nya.
"Sorry po Boss!" sabay sabay na sagot ng tatlo. Oo nga naman, sya na ang boss na ginawang driver, tapos ay tinulugan pa sya
"Nasaan ba tayo at anong gagawin nyo sa amin?"tanong ni Frances sa dalawang umalalay sa kanya.