“Don’t over think things apo, sometimes, we are the ones who complicate things around us. Forgive us, forgive him and most of all, forgive yourself. Don’t let the past dictate your future.” Lolo’s parting words. Maliwanag na pero hindi pa din ako natutulog. Nandito pa din ako sa rooftop. I was staring at the sunrise when I heard someone’s fake cough.“Ang aga mo ata nagising hija.” It’s Papa. Hindi ako sumagot, tumango na lang ako at saka ibinalik ang mata ko sa papasikat na araw. Ramdam ko ang pagtabi sa akin ni Papa. Don’t tell me, may sasabihin din sya? Pwede bang time out muna? Parang feeling ko punong puno pa ako sa mga sinabi ni Lolo e.
“I love sunset, it gives you hope that after darkness, there will be light. But I love sunrise more, because it is like the hope itself that came to lift you, to light your way, and to ease your fear of darkness. It tells you that darkness is just a phase. It will remind you that darkness is temporary.” I don’t know where this is leading us.
“The scariest thing I don’t want to feel is losing any member of my family. And it is inevitable, I know. If given a chance to choose, I’d choose to go first.”
“Papa! What are you saying?” pagalit kong tanong. Parang ang morbid naman kasi pakinggan iyong sinabi nya.
“No. Let me talk it out. Since the kidnapping incident, though I believe, I am too old for that, I wanted this out of my chest.” Hinaluan pa nya ng biro ang sinabi pero bakas sa boses nya na kailangan nya talagang ilabas ang saloobin nya. We never talked about the incident that took place a couple of days ago. No one dared. We just let him and mama relax and not remind them of what happen.
“Akala namin, hinoholdap lang ang resto na kinakainan namin ng Mama mo, kaya katulad ng ibang tao ay dumapa lang kami, pero laking gulat ko noong itinayo kami ng mama mo ng mga armadong lalaki at isinama sa labas at pinasakay sa kulay grey na sasakyan. Iyak ng iyak ang mama mo at pilit ko syang pinapakalma kahit ako mismo ay nagkukunwari lang na kalmado. Hindi namin alam kung bakit kami kinuha. Yun bang pakiramdam na wala akong magawa para sa amin ng Mama mo, ay nakadagdag pa sa nararamdaman ko. Kasabay noon ay naiisip ko ang Papa, kayong magkapatid? Baka nanganganib din kayo? Salamat sa Diyos at hindi dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung sakali. Kayo ang lakas ko pero kayo din ang kahinaan ko.” Ngayon ko lang narinig na nagsasabi si Papa ng mga ganitong bagay. Siguro ay dahil na din talaga sa nangyari sa kanila. I know my Papa, tahimik lang sya, madalas ay nagpapaubaya sya sa mga gusto namin. Lahat ng pwede at kaya nyang ibigay, hingiin man namin o hindi ay ibibigay nya. Kaya naiiyak ako. Ano bang problema ng mga taong yun? Bakit nila kailangan idamay ang pamilya ko? Bakit kailangan madaming masaktan at madamay para lang sa kasamaan nila? Hindi ko naman pwede sisihin si Andrei. Kung wala siguro akong anak, I would still be the selfish brat that I am back in the days. Pero may Dean na ako, at naiintindihan ko kung bakit ayaw ibigay ni Andrei ang bata sa mga yon, anak man nya iyon na totoo o hindi.
“Hanggang sa may humarang sa sinasakyan namin. It is a shock to me and your mom to witness someone being shot straight to the heart and to the head. Talagang hindi sila bubuhayin. Ang nagdadarive at katabi nya sa harapan ay parehas may tama sa dibdib. Nasa gitna kami nakaupo at ang dalawang nasa likuran naming ay may tama naman sa ulo. Walang tunog kaming narinig. Nakapagtago lang kami ng Mama mo sa sandalan ng upuan. Your mom was panicking mabuti at nakilala niya si Andrei. Sila ng kasama nya ang nagligatas sa amin pero may dumating na back up ang mga napatay nila kaya kinailangan maiwan ni Andrei doon para maitakas kami ng mama mo ng kasama nya at dineretso na kami dito. Hanggang ngayon, napapanaginipan pa din ng mama mo ang nangyari. At ako naman, iniisip kung ano na ang nangyari kay Andrei. Wala pa tayong balita.” Mahabang kwneto ni Papa. Nanginginig ang katawan ko sa kwento ni Papa, kung ako siguro ang nandoon ay baka nahimatay na ako o inatake sa puso. Thanks God, my parents are healthy and strong enough to surpass that.