"Sumama kayo sa amin ng mahinahon miss kung ayaw mong masaktan." Nanlaki ang mata at nahintakutang tumango tango ako ng mabilis.
Hindi halata ang mga baril nila sa ibang tao at para lang kaming normal na nag-uusap. Mabilis ang mga pangyayari. Isinakay nila ako sa van at isinunod ang anak ko na buhat buhat ng isa.
"What is this? Kidnap for ransom? How much do you want?" tanong ko kahit na kinakabahan. Kailangan kong maging matapang.
Umandar na ang sasakyan pero hindi nila ako piniringan o itinali, hinayaan lang din nila ang anak kong natutulog na walang kaalam alam sa mga nangyayari. Ang rented car ay kinuha din nila.
"Carnap ba ito, tapos ay itatapon nyo kami sa kung saan?" bahagyang natawa ang isa sa mga kasama nila na nasa likuran ng van.
"No questions please." Sagot ng driver. Wow, inglesero ang mga ito! Mukhang big time syndicate. Pero parang kinakabahan lang ako at hindi natatakot.
Ang haba ng byahe namin at nakaidlip na din ako. Nagising na lang ako na madilim na. Gising na din ang anak ko na kumakain na ngayon ng burger! Saan nanggaling yun?
"Mimi I have a lot of French fries oh!" masayang sabi ng anak ko noong Makita nyang gising na ako at saka iwinagayway sa akin ang isang plastic na may sandamakmak na fries na binili sa isang fast food chain.
"Where did you get that baby?" nagpapanic kong tanong.
"Uncle James bought it for me Mimi!" masayang sagot nya at saka tumingin sa driver kaya naisip ko na baka iyon ang James na tinutukoy ng anak.
Hindi na lang ako kumibi at hinayaan ang anak ko sa masayang pagkain. Ayoko naman na matakot sya kaya hinayaan ko na lang ang akala nya na kilala ko ang mga kasama namin.
"Miss, kumain ka na." sabi ng driver sabay abot sa isang plastic bag na may laman ding burger at kung ano ano pa, na hindi lumilingon sa akin. Nakatutok lang sya sa daan habang nagdadrive. Nilingon ko ang tatlo nyang kasama at pare-parehong tulog sa likod.
"Wag mo na isiping tumakas. Kahit wala sila ay hindi ka makakatakas sa akin." Bale-walang sabi ng driver at sinulyapan ako sa rear view mirror. Is he a mind reader?
"Uncle James, I didn't understand what you said, please speak in English" sabi ng anak ko at nagpout pa kahit puno ng fries ang bibig.
"Sure, kiddo, I'm sorry, it's so rude of Uncle. I told your Mimi that she is beautiful." Natatawang sabi ng driver.
"Yes! My Mimi is beautiful but you can't court her Uncle!" seryosong sabi ng anak ko. He is really protective of me. Isa din yan sa dahilan kung bakit wala akong manliligaw. Ayaw nya.
"Why? You don't like Uncle?" kunway nalungkot na sabi ng driver pero halata naman na umaarte lang.
"My Mimi is for my Didi only Uncle!" parehas kaming nagulat sa sagot ng anak ko. Ngayon ko lang yan narinig. Sino ang Didi nya?