Her Version 05

5.1K 113 2
                                    


Para sa isang taong nasanay sa rangya ng buhay, na nakukuha ang kahit na anong gustuhin, hindi ako sanay ng ganito.


Ako ang nagtatapon, hindi ako ang tinatapon. Ako ang nang-iiwan, hindi ako ang iniiwanan. Ako ang nananakit, hindi ako ang sinasaktan.


Sino ang Andrei na yan? Anong akala nya sa sarili nya? Sino sya para saktan ako? Sino sya para ibasura ako ng ganito?


I want the old Frances back. The tough woman that I used to be. Para sa anak ko. Para sa sarili ko. Babangon ako. Kakayanin ko ang lahat.


Napapayag ako ni Kuya na umalis ng bansa pagkalabas ko ng hospital. Doon ako manganganak. Para na din daw maiiwas ako sa eskandalo na maaaring magpalala sa sitwasyon ko.


Ang yaya ko simula pagkabata ang kasama ko sa US. Sya ang makakasama ko hanggang sa makapanganak ako o hanggang sa kung kailan ko balak umuwi.


Ang hirap ng pinagdaanan ko habang nagbubuntis, may gusto akong kainin pero walang pwedeng utusan, hindi naman pwede si Yaya dahil bukod sa rayuma nito ay hindi naman nito kabisado ang lugar.


Kapag sinasamaan ako ng pakiramdam ay wala namang nag-aalaga sa akin bukod kay Yaya. Maswerte na pag nadalaw ako ni Kuya dito minsan sa isang buwan.


Mom and Dad were disappointed at me. Si Lolo naman ay gustong ipahanap ang ama ng dinadala ko pero madiing tinututulan ni Kuya. Hindi daw namin kailangan ang lalaking iyon.


Gusto kong sabihing kailangang kailangan ko ang tatay ng anak ko pero hindi ko magawa. Unti-unti ko ng natatanggap na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. At kung makuha ko man ay hindi din ako magiging masaya knowing na mapipilitan lang sya. Dahil kung gusto nya talaga ako at ang anak namin ay sya mismo ang hahanap sa amin.


Hindi naman ako ganoon kahirap hanapin dahil active naman ang lahat ng social media accounts ko. Doon na lang kasi ako nakakabalita sa mga kakilala ko. At oo, umaasa din akong makakabalita ako ng tungkol sa kanya doon. Friends kami sa facebook pero wala naman akong mapala sa facebook account nya. Madalang syang magpost. Ang kadalasang nakikita ko sa wall nya ay ang mga tag photos sa kanya ng Venisse na yun!


Malapit na akong manganak noong tumigil na ako sa kahibangan ko na hahanapin pa nya kami ng anak nya. Wala na. Nawalan na ako ng pag-asa, ayoko ng umasa. Tama na ang ilang buwang kabaliwan ko.


Hanggang sa manganak ako ay lalo ko na syang pinilit kalimutan. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa anak ko. Naging abala ako sa anak ko. Dean is my life and strength in everything.


Noong makapanganak ako ay umuwi kami sa pilipinas pero isang taon lang kaming namalagi doon at bumalik na din kami sa States. Mas madalas nang dumalaw si Kuya dito. Para bang sabik na sabik sya sa anak ko. Sya na halos ang tumatayong ama.


Minsan naiisip ko, kung sinumpa ba kaming magkapatid dahil parehas kaming iniwan ng mga mahal namin. Ako si Andrei at sya si Tsina. Simula kasi noong ginawa naming set up ni Mama ay hindi na nagpakita ang girlfriend ni kuya na yon at simula din noon ay bihira na namin makitang masaya si kuya. Ngumingiti pero alam mong pilit. Gone was the playful kuya that I used to know.

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon