Her Version 11

4.8K 115 9
                                    


Manghang mangha ako sa nakikita ko. Pumasok kami sa isang kwarto na punong-puno ng laruan.


"Wow! Big toys!" tuwang tuwang bulalas ng anak ko. Hindi nya malaman kung ano ang uunahing hawakan sa mga iyon.


Maliit na kotse, bike, scooter na pambata, mas malaki pa sa anak ko na mga action figures, mga de remote na copter toys at napakalaking train. Lahat ng mamahaling laruan, name it, at nasa kwarto na ito iyon.


"Baby, careful, you might scratch them." Saway ko sa anak ko na panay ang hawak sa mga laruan. Siguro ang mga laruan na ito ay sa anak ni Tsina at ni Kuya. Napakawerteng bata.


"It's okay son. The toys here are all yours" sagot ni Andrei, halos lumuwa ang mata ko sa sinabi nya. Seryoso sya? Hundred Thousand or Millions ang halaga ng mga laruan na nandito at sa anak ko lahat ito?


"Huwag mong paasahin ang anak ko, baka dumating ang totoong may-ari at pag-awayan pa nila iyan." Saway k okay Andrei.


"Ang anak natin ang totoong may-ari ng lahat ng 'to." Kunot-noong sabi nya.


"Paano ang anak ng kapatid mo? Hindi ba sya ang gumagamit nito?" sagot ko. Oo, anak ni kuya iyon pero may sama pa din ako ng loob. Alam kong hindi kasalanan iyon ng bata pero hindi ko maiwasang sumama ang loob para sa anak ko.


Ang batang iyon ang nakinabang sa lahat ng dapat para sana sa anak ko. Atensyon, pagmamahal, pag-aaruga, mamahaling damit at laruan. Walang ama ang anak ko ng ilang taon dahil lang sa nagpapakaama sa ibang bata si Andrei.


"Hindi, may sariling laruan si Franz. Itong mga laruan na to ay para talaga sa anak natin, wala pang ibang nakakagamit." Napatigil ako sa iniisip ko. Nagsasabi ba sya ng totoo?


"Alam ko ang iniisip mo and I'm sorry for making you feel that way." He said sincerely. Tumango lang ako at saka pinanood ang anak kong tuwang-tuwa sa mga nakikita nyang laruan.


"Mimi! Look! Amazing!" agaw ng atensyon ng anak ko habang pinalilipad ang copter na de remote.


"Baby, you wanna try to ride this?" tanong ni Andrei sa anak namin habang tinatapik ang top down na kotse. Walang bubong iyon, medyo maliit lang ng konti sa totoong kotse. I wonder kung umaandar ba talaga iyon.


"Really dad? I can ride it?" My son asked with glowing eyes.


"Yes, I can teach you how to drive it but we need a bigger space. You wanna try?" Hala? Ang bata pa ang anak ko para matutong magdrive! Totoo ba talagang sasakyan iyon?


"Yes! Yes! I want Daddy!" tuwang tuwang sabi ng anak ko na sinamahan pa ng talon. Kahit na kakikilala pa lang nya bilang daddy ay para bang sanay na sanay na syang tawagin si Andrei ng ganoon.


"Andrei, bata pa ang anak ko, hindi pa pwedeng mag drive. Baka kung mapano yan, lagot ka sakin!" banta ko sa kanya na tinawanan lang nya.

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon