Nag-aalala ang lahat dahil sa wala pa si Andrei at hindi din ito ma-contact. Maging si James na sumunod sa kanya ay hindi din matawagan. NI text ay wala sila.
I am feeling guilty now for all the things I’ve said and done for the last few days. Pero wala akong magawa kundi ang tiisin ang pakiramdam na iyon.
I just promised myself na kapag nakabalik na si Andrei ay kakausapin ko na sya ng maayos at papakinggan ko na at iintindihin ang mga gusto nyang sabihin at ipaliwanag.
Hating gabi na pero hindi pa din ako makatulog. My parents are here, the whole family is here actually but I can’t get rid of the emptiness I am feeling right now.
Nakakuha ako ng beer in can sa ref and I decided to go to the rooftop. Magmumuni-muni muna ako. Mahimbing naman na ang tulog ng anak ko plus the fact that I am feeling safe in this island. Mas dinagdagan pa nga nila ang security. Hindi na din sila muna nag-aacept ng guest para masigurado ang safety namin. Sa ngayon ay kami lang ang tao dito at ang mga employees.
At masasabi kong napakayaman talaga nila para ihinto ang operation ng Costa Tsina at the same time ay bayad ang napakarami nilang empleyado na wala namang ginagawa dahil nga walang guest.
Binati ako ng malamig na hangin paglabas ko ng rooftop. Medyo nakakalma nito ang kalooban ko pero hindi pa din naaalis sa isip ko ang mga nangyayari. Palaisipan pa din sa akin ang mga ginawa ni Andrei at ang mga nagging desisyon nya.
Kung iisa-isahin ko ang mga atraso nya sa akin ay baka umagahin na ako ditto pero hindi pa ako tapos, pero kung binigyan ko sya ng pagkakataon na ipaliwanag sa akin ang lahat, kung binigyan ko sya ng chance na mapakinggan ang mga gusto nyang sabihin sa akin ay malamang nasagot na lahat ng tanong ko.
Napakadaming tanong, pero tinanggihan ko ang sagot at paliwanag.
Natigilan ako sa pag-iisip noong maramdaman kong hindi na ako nag-iisa sa rooftop. Ayokong lumingon dahil nakakaramdam ako ng takot.
“It’s just me, Frances.” Nakahinga ako ng maluwag noong marinig ko ang boses ni Lolo.
“Lo, It’s late. What brought you here?” alanganin kong tanong sa kanya. Naupo muna sya sa harap ko at kinuha ang alak na nasa lamesa bago ako sinagot.
“I should be the one asking you that. Baliktad na ba talaga ang mundo ngayon? Apo na ang nanenermon sa Lolo?” patanong nyang sagot sa akin na sinamahan nya pa ng pagtaas ng kilay kaya naman natawa ako ng bahagya.
“Lo, that won’t work on me. I am not kuya Franco.”
“Yeah, yeah. Kahit kalian ay sutil ka talaga, hindi katulad ng kuya mo na masunurin kahit noong bata pa man. But I love you more for that.” Nakangiting sabi ni Lolo.
“I won’t buy that Lo, we all know who’s your favorite and it’s kuya,, I don’t really mind it though.” Natatawa kong sagot. Si kuya naman talaga ang gusto nya, bukod sa unang apo ay lalaki pa. Natatandaan ko pa dati na lahat ng hilingin ni kuya ay ibibigay niya ng walang alinlangan, samantalang kapag ako ang may hihilingin ay kailangan pasok sa standards nya. Pero hindi naman ako nagdadamdam, Mama and Papa spoiled me rotten, na lagging ikinakagalit ni Lolo.
“Contrary to what you think, you are my favorite. Sainyong dalawa ng kuya mo ay ikaw ang pinakapaborito ko, why you looked so much like your Lola and you act so much like me.” Nakatanaw sa kadiliman nyang sabi. Hindi ako nagsalita dahil nararamdaman kong may kasunod pa ang sinabi nya.
“Looking back, Franco was an obedient child unlike you, bata pa lang ay sutil ng talaga. Bata ka pa ng mamatay ang Lola mo kaya hindi mo na sya ganong matandaan pero palagi nyang sinasabi sa akin na akong-ako ang ugali mo na hindi ko naman maitanggi.” Nakangiti sya na parang inaalala ang nakaraan habang pinaglalaruan ang beer in can sa kamay nya.