His Version 18

4.3K 99 15
                                    

lee's note: Ughhggg. after four freakin' days of trying, na post din sya sa wakas! I'm very sorry for keeping you guts waiting. Eto na. Wala ng mahabang note. Thank you! 😉 Have a nice day ahead. Happy Reading. 😘😘😘

regus1 i'm very sorry. Sa phone lang ang update and unfortunately, di ako marunong magdedicate kapag hindi laptop ang gamit. Sorry na. Hahaha Dito na lang ha? Thank you for reading, voting and for the comments too. And also for waiting patiently for the update. 😉

****

I received a call from Tsina, pinapuwi nya ako para sa kasal nila ni Franco kaya naman napilitan akong umuwi.
Nalaman ko din na kasama ang anak ko sa entourage ng kasal. Sya ang ring bearer dahil si Franz ay nagprisintang maging little groom.

Sobrang kinakabahan ako sa kasal na ito, idagdag pa ang pang-aasar ni Tsina.

Galit na galit kasi sya sa akin sa ginawa ko sa kapatid ng asawa nya at palagi nyang ipinapaalala sa akin ang kagaguhang ginawa ko kada magkakaroon sya ng pagkakataon.

Kilalang kilala ako ng kapatid ko at kahit hindi ako magsabi, alam kong alam nya kung ano ang totoong nararamdaman ko.

She always has her way of knowing things. Kaya naman alam kong sinasadya nya ang lahat ng pang-aasar nya sa akin. I know, somehow, sinusubok nya ako. Sinusubok nya ang tatag ko.

She wants me to break down.

Best actor. Iyon ako. Nakangiti kahit hindi Masaya, nangungulit kahit na gusto kong pumunta sa isang sulok at magmukmok. Nang-aasar kahit na ang totoo ay asar na asar ako sa sarili ko.

Kita ko ang talim ng mata nya sa tuwing mahuhuli ko syang nakatingin sa akin. Hindi sya mapakali sa inuupuan dahil sa ginagawa kong paninitig.

Noong makakuha ng pagkakataon ay lumapit sya sa bagong kasal at nakipag-usap saglit at pagkatapos noon ay nagmamadali syang umalis sa lugar na iyon kaya mabilis din akong sumunod.

Naabutan ko sila sa parking lot. This time, kakapalan ko na ang mukha ko.

"Long time, no see." Sabi ko. It's a lie, palagi ko naman syang nakikita talaga sa US. Hindi nya ako nilingon pero alam kong narinig nya ako dahil sa din sa reaksyon ng katawan nya.

"Pumasok na kayo sa kotse." Utos nya sa yaya ng anak namin.

"Mimi! That's Cher Sean!" biglang sigaw ng anak ko at itinuro pa ang direksyon na kinatatayuan ko.

"Baby, get in the car." Utos nya sa anak namin na pilit na kumakawala sa yaya nya.

"Mimi, I want to talk to Teacher Sean!" pangungulit pa nya.

"Some other time baby, we'll talk first." Matigas nyang sabi

"Yaya pumasok na kayo sa kotse." Baling nya sa yaya na agad naman sumunod.

Nilingon nya ako kaya pinilit kong maging blangko lang ang ekpresyon sa mukha ko.

"What do you want?" paangil nyang tanong sa akin

"I just want to look at you closely." Damn! That's not what I want to say! Napangisi na lang ako para pagtakpan ang kabobohan ko.

"And why is that?" she asked raising one eyebrow at him.

"Wala naman. Mas gumanda ka ngayon." Totoo ang sinabi ko, walang halong pambobola. Motherhood becomes her. Nag mature na din sya na mas nakadagdag sa kagandahan nya.

"Should I thank you for that compliment?" She asked sarcastically.

"Not really, but you can invite me somewhere. Like you used to... before." I answered playfully, hindi ko kasi talaga alam ang gagawin at tamang sabihin.

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon