His Version 26 (Part 2)

2.6K 104 11
                                    

"Talk." she said in her monosyllabic tone. Nakatayo sya ngayon sa harapan ko habang ako ay nakaupo sa isang hindi kalakihang bato.

Kanina ay nagpaalam ito na lalayo muna ng kaunti para pakalmahin ang sarili. Ayoko kasi siyang payagan dahil baka mawala sya kaya nangako sya na hindi lalayo at babalik din agad sa oras na kalmado na sya.

"I know it's a lot to take in. I can tell it to you some other time." alanganin kong sagot.

"Your wife, is she still alive?" she asked, ignoring what I said. Umiling ako.

"She was killed a couple of years ago before I met you." I answered honestly.

"I married her in haste because I got her pregnant." Kitang kita ko ang gulat sa mukha nya ng dahil sa sinabi ko.

"Where i-is y-your.." nauutal at hindi nya matuloy ang sariling tanong.

"She is 8 years old by now, under James custody." sagot ko. Napaangat ang ulo nyang nakayuko sa sinabi ko.

"Funny huh. Anak ng may anak naalagaan mo. You even pampered him pero yung mga anak mong sarili mong dugo't laman, pinababayaan mo lang. How ironic is that?" she asked sarcastically.

"With the kind of life that I have, she's better off without me." sagot ko.

"Your impossible!" Galit nyang sabi

"Paano mo nasisikmura yan? Bullsh*t! Wala kang bay*g!" galit na dugtong pa nya.

"Frances, you don't understand.. I, I'm.."

"No. Save that! I don't wanna hear your excuse for being the lowest man that you are." putol nya sa sinasabi ko.

Napatango-tango na lang ako. I figured that she doesn't wanna hear any of it. Hindi sya handa, hindi nya kaya ng isang bagsakan lang lahat.

Information overload. Iyon ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Umuwi na tayo." utos nya. Tumango lang ako at saka inilabas ang radio para tawagin ang susundo sa amin.

Ilang minuto kaming naghintay na puro ihip ng hangin at alon lang ang naririnig.

Nagmamadali syang makasakay sa motor boat noong dumating iyon. Ako naman ay sumunod din agad matapos maligpit ang picnic basket.

Wala kaming kibuan hanggang makabalik kami.

"Doon tayo sa Villa Franz tutuloy. Nandoon ang parents mo." sabi ko sa kanya saka nauna ng maglakad.

Nakasunod lang sya sa akin hanggang sa makarating kami sa go kart na maghahatid sa amin sa Villa.

Sinalunong kami ni nanay Fe pagpasok sa villa.

"Ang aga nyo namang nakabalik Sean. Tulog pa ang mga bisita. Ang kapatid mo naman kasama ang mga bata ay maiwan sa rancho kanina at hindi pa nakakabalik mula sa pangangabayo." Ang daldal ni manang.

"Siya ba ang asawa mo? Kagandang bata mo ineng. Nakita ko ang anak nyo kanina sa rancho, nako pasensya ka na pero kamukang kamuka ng ama nya ang anak mo. Syang sya noong bata." Naiiling na lang ako sa kadaldalan ni Manang.

Si manang Fe ay Yaya pa ng Daddy namin kaya sya na din ang naging yaya namin ni Tsina simula ng ipanganak kami.

Kasama din syang itinago dahil sya ang witness na buhay pa kami. Na sya ang nakakakilala sa amin at makakapagpatunay na anak kami ng magulang namin. Kaya noong matapos ang issue na iyon ay kinuha namin sya.

Parang ina na ang turing namin sa kanya. Hindi namin sya tinuturing na kasambahay. Pamilya namin sya.

"Manang, may hawig naman po sa asawa ko yung anak namin kahit kaunti. Dalawa kaming gumawa noon e." biro ko pero sineryoso ata ng katabi ko dahil tinignan ako ng masama. Hindi nagsasalita si Frances. Mukhang nakahalata naman si Manang.

Sean's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon