Ilang araw akong naghintay sa Pad nya pero hindi na sya bumalik. Ni hindi sya umuuwi para kumuha ng damit. Hindi ko alam kung saan sya hahanapin. Ayoko ding umalis ng bahay dahil baka bigla syang dumating at magkasalisi kami.
Halos isang buwan na noong maisip kong baka hindi na sya babalik. Naalala kong ugali nya nga pala ang umalis na lang basta ng bansa. Ito na din ata ang pinakamatagal nyang stay sa Pinas.
Katulad ng nasa internet, baka nagka country hopping na naman sya. Mahilig syang magpunta sa iba't-ibang bansa. Akala ko, nabago na iyon dahil naka pirmi sya sa pinas pero akala ko lang pala iyon.
Kahit ang cellphone nya ay hindi ko ma-contact. Ang facebook, at instagram nya ay wala ding updates. Parang sinasadya nya para walang clue sa kung nasaan sya at anong nangyayari sa kanya. Halos gabi-gabi akong umiiyak. Pinipilit ko na nga lang ang sarili ko na kumain dahil sa baby na nasa tiyan ko. Kailangan ko ang anak namin. Sya na lang ang natitirang koneksyon na meron ako kay Andrei.
Handa akong maghintay hanggang sa ready na syang tanggapin kami ng anak nya. Kahit gaano katagal, maghihintay ako.
Akala ko, kaya ko. Akala ko kakayanin ko pero isang araw, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa Mansion namin. Tulala. Naririnig ko sila Mama, Papa at Lolo pero hindi ako makasagot. Parang ang pagbuka ng bibig ay napakalaking bagay na sa akin.
Alam ko ang nangyayari sa akin, alam ko ang nangyayari sa paligid ko pero parang pansamantala akong nawalan ng abilidad na magreact sa mga bagay-bagay sa paligid. Parang nabubuhay na lang ako dahil sa bata na dinadala ko. Pinipilit ko ang sarili kong kumain kahit hirap na hirap ako sa paglunok ng mga isinusubo ko. Black ang white ang tingin ko sa paligid ko.
Until one day, umuwi si kuya sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kitang-kita ko ang takot sa mukha nya, kasabay noon ang pagkaalala ko sa babaeng oportunista na tinatawag nyang girl friend na niloloko lang naman sya na konektado din kay Andrei! Si Andrei na niloko ako, si Andrei na iniwan ako. Si Andrei na mas gugustuhin pang ang isang may asawa na, na katulad nung Vennisse na yun ang maging ina ng anak nya! Si Andrei na gustong patayin ang sarili nyang anak na dinadala ko!
Wala na. ang huling natatandaan ko na lang ay yung binuhat ako ni kuya at sinakay sa sasakyan nya. Lahat ng tao sa paligid ko ay nagpapanic na. Nagkakagulo, natataranta at madaming nagsasalita.
"Hindi naman maselan ang pagbubuntis nya pero sa tingin ko ay sobra sa stress at may mabigat na dinadala ang pasyente. Salamat sa Diyos na malakas ang kapit ng bata. Kung nagtagal pa kayo ng kaunti ay baka mas malala pa dito ang nangyari, she could have a miscarriage. Ingatan ho natin sya at bibigyan ko na din kayo ng vitamins para sa baby at para na din sa mommy." Mahabang paliwanag ng sa tingin ko ay doctor.
Hindi pa ako dumidilat. Natatakot akong buksan ang mata ko. Nabalitaan kaya nya ang nangyari sa amin ng anak nya? Alam kaya nya? Nandito ba sya? Pinuntahan nya kaya kami? Baka nataranta din sya? Baka nagmadali din syang pumunta dito?
Baka nasa labas lang sya. Boses lang kasi ni Mama at Kuya ang naririnig ko. Sila lang ang nasasalita at kumakausap sa doctor.
"Brat, gising na, nandito na ang kuya." Malambing na bulong ni kuya habang hinihimas ang buhok ko. Hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mga mata ko.
"Hey, brat, stop crying. Makakasama sa inyo ng baby mo." He admonished gently.
"Kuya please! Ibalik mo sya sa akin! Parang awa mo na! Kailangan ko sya! Kailangan ko si Andrei!" I plead histerically.
"Shhhhh.. Hush now brat." Bulong nya
"Kuya please.. Please.." paulit-ulit kong sabi.
"Andrei, he is the father right? What's his last name?" Tanong ni kuya noong kumalma na ako. Kitang-kita ko sin ang pag-iigting ng panga ni kuya tanda nag alit sya.
"V-Vera. Andrei Vera."
"How can I find him? His Address? Whereabouts?" seryosong tanong ni kuya, I know, kuya will find him at dadalin nya si Andrei sa akin.
"He's nowhere to be found. Wala din sya sa condo nya." Mahina kong sagot.
"Give me his address sa condo." Seryoso nyang sabi.
Habang sinasabi ko ang exact address ay nakikita kong napapakunot-noo sya.
"Do you have a picture of him?" Tanong ulit ni kuya. Madilim na ang mukha nya.
"Yes, sa phone ko." Mabilis nyang kinuha sa drawer yung bag ko at hinanap ang phone ko. Alam ko wallpaper ko ang mukha ni Andrei kaya kita nya agad. Nabitawan pa nya ang phone ko na bumagsak sa carpeted na sahig.
"Andrei Gomez." Bulong nya habang nagtatagis ang mga bagang.
"What? Andrei Vera sya kuya!"
"Gomez. Gomez yan. Kapatid yan ni.." hindi itinuloy ni kuya ang sinasabi nya sa halip ay sinuntok nya ang pader na malapit sa kanya. Namumula na din sya sag alit.
"Hindi pwedeng malaman nila Mama kung sino ang tatay nyang anak mo. Sa America ka muna." Matigas na sabi ni Kuya.
"Kuya, baka nagkakamali ka. Vera nga sya! Anak sya ni Judge Vera!" Ayokong umalis ng bansa! Paano kung balikan nya ako? Paano kung marealize nya na mahall pala nya ako pati na ang anak namin na dinadala ko?
"Gomez yan. At wag ka ng umasang babalikan ka nya. Sinadya nyang gawin yan sayo." Galit na sabi ni kuya. Bakit ba nya ipinipilit? At paano nya nasabing sinadya ito ni Andrei?
"Hindi! Nabigla lang sya! Babalikan nya ako kuya! Babalikan nya ako! Please! Maniwala ka! Babalik sya! Babalikan nya ako!" Parang baliw na paulit-ulit kong sinasabi iyon.
"Get a grip Frances. Kung ayaw mong mawala yang dinadala mo." Halatang inis o galit si kuya pero wala namang magagawa yung galit nya para mabago yung nararamdaman ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Buong buhay ko, ngayon lang ako nasaktan ng ganito.
But at the same time, para din akong nagising sa sinabi nya. Natakot ako bigla para sa dinadala ko. Sa anak ko. Itong batang to ang koneksyon namin ni Andrei. A living proof that once in my life, I met Andrei Vera.
**
Short update. Medyo mahaba ang kasunod. Hindi pa lang tapos i-type! Happy reading! :)