Life is unfair. It was never fair but I didn't realize it until I found myself in this situation. It never mattered to me until Andrei happened in my life.Why do I need to suffer? Sa mga bagay na wala akong kaalam-alam?
Bakit ako itong nasasaktan e wala naman akong kinalaman sa nangyayari? Ni wala akong alam sa totoong nangyayari. Ang naiisip ko lang na kasalanan ko ay ang paglapit ko kay Andrei at minahal ko sya.
Oh, I almost forgot, may kasalanan nga din pala ako sa kapatid nya. Pero tama ba na ganito ang maging balik sa akin ng isang pagkakamali na iyon?
Tama ba na ang kabayaran ko sa nagawa ko ay ang buong pagkatao ko at damay pati ang anak ko? Hindi pa ba sapat yung sakit kaya hindi pa din humihinto sa pananakit sa akin?
What can I do to stop the pain? Ano ba yung dapat kong gawin o yung hindi ko dapat gawin para makawala sa sitwasyon na to?
Siguro, kung ako lang mag-isa, kakayanin ko to, kahit gaano kasakit. Pero kasi may Dean na ko ngayon, sa ngayon, bata pa sya, wala pa syang iniintindi, ni hindi pa nga nya naiintindihan ang sitwasyon at nangyayari sa paligid.
And I will do everything within my power to keep my son safe. To keep him safe from this cruel and unfair world. I will be my son's human shelter.
Ilang araw ng wala si Andrei. Ni ha, ni ho wala, ni wala man lang pasabi na hoy, buhay pa ko, wag kayong mag-alala. Ni wala akong maisagot sa anak nya kung bakit hindi pa sya bumabalik. Kahit nga ang anak ni kuya ay tanong ng tanong kung nasaan daw ang Papa love nya. Akala mo Papa nyang tunay kung makaangkin. Tsk.
Ang naririnig ko lang na isinasagot ni James at Tsina kapag nagtatanong ang mga bata ay may bibilin si Andrei sa malayong lugar para sa Christmas gift para sa dalawang bata. Palibhasa, bata pa kaya agad na naniwala at lalong naexcite sa pagbalik ni Andrei.
Hindi ko alam kung may komunikasyos sila ngayon kay Andrei. Hindi ko naman kasi nababalitaan na nakakausap man lang nila to. O hindi ko lang alam kasi palagi lang akong nasa kwarto. Mas madalas na si kuya Franco lang ang nakakausap ko at hindi naman ako naglalakas loob na tanungin sya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Para kasing may nagsisigawan. Maingat akong umalis sa tabi ng anak kong mahimbing na natutulog at dahan dahang lumabas sa kwarto.
"James! Do something! Kailangan nyong iuwi ang kapatid ko dito ng buhay!" I've never seen Tsina this hysterical. Madalas ay kalmado lang sya. What I am seeing right now is a whole different than the Tsina I know.
"Babe, calm down. Baka kung anong mangyari sa inyo ni baby. Let's trust Andrei on this." Pang-aalo ni kuya."How can I trust him? He's not calling us since the day he left! Ni hindi nga sya nagpaalam. Tinakasan nya ako!" sigaw na naman ni Tsina.
"But we know he's still alive. He has his reason for not telling us." I don't know why, but I know that kuya's look. He is somehow guilty of something. The three is so pre-occupied, Ni hindi nila ako napapansin sa kinatatayuan ko.
"Don't be guilty Franco, niligtas ni Andrei ang patents mo hindi dahil sayo. It's because of your brat of a sister. And besides, collateral damage lang sila. Si Angeli ang talagang gustong makuha nung mga taong yon. Ginawa lang pain ang parents nyo para lumutang si Andrei. Halang ang mga kaluluwa non, lahat gagawin makuha lang ang gusto. At hindi natin pwedeng sisihin si Andrei, kahit ako, ipaglalaban ko ng patayan ang bata." parang nanlaki ang ulo ko sa mga narinig.
"Where's Mama and Papa and Lolo? Kuya? Where's Andrei? What's really happening? And who is Angeli?" sunod-sunod kong tanong? hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng kakalmahan. Kung bakit hindi pa ako hysterical katulad ni Tsina. Mataas ang boses ko pero hindi pa ako nagwawala -- na syang gusto kong gawin sa mga oras na yon.