**********
"Anak." Napalingon ako sa mama ko. Nandito ako ngayon sa verandah ng kuwarto ko. As usual, iniisip ko pa din kung paano nangyari ang lahat. It's been one week since noong pumunta kami sa Syna Recording Company at hinarap ko yung mga fans ni Luhan. Okay na ako. I'm happy.
"Po?" Ngumiti ako sa kanya.
She smiled back. "I'm happy for you." Nasa harap ko na siya. Inayos niya yung nagkalat na buhok sa mukha ko.
Ngumiti din ako sa kanya. "Mas masaya ako, 'ma. Until now, hindi pa din ako makapaniwala."
Marahan siyang tumawa. "Ako din naman. Eh dati, baliw na baliw ka diyan sa Luhan na iyan, eh. Tapos ngayon, boyfriend mo na siya." Pinanliitan niya ako ng mata. "Ginayuma mo si Luhan, 'no?"
Napairap ako. "Hindi. Maganda lang talaga ako kaya na-in love siya sa akin."
Ginulo ni mama ang buhok ko. "Where is he?"
"Kasama ng manager niya. Babalik yata muna sila sa korea for promotions. At hindi ko alam kung kailan uli ang balik niya." Napabuntong-hininga ako. It's been one week already. I miss him. Three years kaya ulit mawawala ang Luhan ko?
"Bakit hindi ka sumama sa kanya?"
Mabilis na umiling ako. "Ayoko. Mas nakakatakot ang korean fans kesa sa fans dito sa atin. Baka saktan ako ng mga sasaeng fans nila."
"What—sasaeng?"
"Oo. Sila yung fans na halos maging stalker na ng exo."
Napailing si mama. "Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam. Be thankful na natupad ang dream mo na maging boyfriend mo yang bias mo na yan." She kissed me on the cheek. "You should take a rest. Tumigil ka na sa pag-iisip, okay?"
I nodded. "Yes, 'ma. Magpahinga ka na din." Tumango siya at lumabas na ng kuwarto ko.
Nahiga na din ako sa kama ko at natulog.
Kinabukasan, maaga akong nagising. I checked the guest room, ngunit wala dun si si Luhan. Hay! Nasanay na siguro ako na palagi siyang nandito. Bumalik na kaya siya sa Korea? Hindi naman siguro diba? Magpa-paalam naman siguro yun sa akin. Naligo ako at kumain. After, naupo na lang ako sa sofa at nanuod ako ng tv. Wala naman akong gagawin eh. Gusto ko sanang lumabas kaso medyo kinakabahan pa din ako.
"Mukhang late na late ako sa balita, ah?"
Napatigil ako sa pagsubo ng kinakain kong chips at kaagad na lumingon sa likod. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Lacy.
"Lacy?!"
Seryosong kumaway ito. "Hi there, best friend."
Tumayo agad ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Best friend! Omg!" Humiwalay ako sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kong seryoso pa din ang mukha niya habang nakatitig sa akin. "What?"
"Sobrang late na ba ako sa news? Grabe ka, Annika. Best friend mo ako, pero hindi mo man lang masabi sa akin na alam na ng buong mundo ang relasiyon niyo ni Luhan?"
"Busy ka kasi sa work mo, eh." Napatawa ako at niyakap muli siya. "Best friend, I missed you so much! Kumusta ka na?"
Naupo kami sa couch.
"Heto, okay naman ako. Nag-leave ako ng two weeks para naman makasama kita. They let me kasi alam naman nila na masipag ako." She smiled at me. "Ikaw? How are you? May trabaho ka ba?"
I shook my head. "Wala pa, eh. Ayaw pa din naman ni mama." I kissed her cheek. "Ang ganda mo ngayon, Lacy." Sinundot ko ang tagiliran niya. "May boyfriend ka na, 'no?" Pinanliitan ko siya ng mata.