Annika's Pov.
"ANNIKA! Nakatutok ka na naman diyan sa computer. Ano na naman ba yang tinitingnan mo? Tapos ka na sa assignment mo ha?" Rinig kong sabi ng mommy ko. Maya-maya bigla na lamang siyang sumulpot sa tabi ko. Ako naman, nananatiling nakatingin pa din sa picture ng bias ko na si Luhan.
Omo! Ang guwapo lang talaga niya! Kailan ko kaya siya makikita? Magkaka-concert kaya sila dito? Hayy nakoo! I want to see him so badly!
Tumingin ako sa nanay ko. "Tapos na po ako, 'Ma! Kaya nga narito na ako sa harap ng computer diba? Kasi, tapos na ako sa assignment ko." Sabi ko, sabay tingin muli sa screen ng computer ko.
"Sino ba 'yan? Nangangarap ka na naman! Hindi mo makikita yan! Diyos ko po, Annika. Lupa ka, langit yan. Hanggang youtube, google, facebook at twitter ka na lang!" Sabi naman ng nanay ko at lumabas na siya ng kuwarto ko.
Aray! So, kailangan pa talaga sabihin ni Mommy na hanggang pangarap na lang ako? Alam ko naman yun! Yun nga ang nakakalungkot, e. Hanggang pangarap na lang ang fangirl na katulad ko!
Nang makita ko ang pictures ni Luhan sa computer, napangiti ako. Lulu, why so handsome? Akin ka na lang, okay lang ba? Ako ang right girl for you! Ako ang mapapangasawa mo! Nangalumbaba ako sa harap ng computer ko habang nakatitig ako sa picture ni Luhan.
Napabuntong-hininga ako. Makikita kaya kita, someday? Mahahawakan ko kaya ang kamay mo? Ngingiti ka kaya sa akin? Kikindatan mo ba ako katulad ng pagkindat mo sa mga music video niyo?
Bakit ba kasi hindi ka na lang taga dito sa Pilipinas? Mas maganda ang mga babae dito! Katulad ko! Maganda ako! Fan mo ako, e. Hahaha!
Hinaplos ko ang picture ni Luhan sa screen ng computer ko. "Oy, Luhan. Punta ka naman dito! Dito ka na lang sa puso ko. Mamahalin kita ng buong-buo!" Nakangiting sabi ko.
Nang masawa ako sa pagtitig sa mukha ni Lulubaby ko, pinatay ko na din ang computer ko at nahiga na ako sa kama ko. May pasok pa kasi ako bukas, eh. Hindi ako puwedeng ma-late kasi may usapan kami ng best friend ko.
Yung best friend ko? Siya yung nakakasundo ko when it comes to Kpop. Hahaha! Ayos no? Pero, alam niyo? Ako yung tipo na, kapag nakita ko ang picture ng bias ko sa cellphone ng kaklase ko, mapapairap na lang ako bigla at sasabihin ko sa isip ko na 'delete mo nga 'yan!'
Pero karapatan ko ba ang mag-react ng ganon? Hindi naman 'di ba? Kasi, alam naman namin sa sarili namin na fan girl lang kami at wala kaming karapatan na mag-react ng ganon.
Kaya nga may internet 'di ba? Para everytime, makikita mo ang bias mo, kahit hindi nagalaw. Matitigan mo lang, masaya ka na.
Hayy! Makikita din kita Luhan! Promise!
Maya-maya, ay nakatulog na din ako.
*
"KYAAAA! Annika! Napanuod mo ba yung drama version episode two ng Exo? Shocks! Grabe lang 'di ba? Ang pogi ni Tao!" Patiling sabi sa akin ng kaibigan kong si Lacy.
Napangiti ako. "Oo nga! Pero, buwisit kasi ang lucky nong babae 'di ba? Siya lang ang babae don! Nakakainggit kasi nililigtas siya ng EXO! Huhuhuhu. Sana ako na lang yung girl!" Nagseselos kasi talaga ako don sa girl. Si Luhan pa yung unang nag-save sa kanya. Kainggit diba? Pero, okay lang! Ganda ng drama version episode two!
"Sus! Ano ang magagawa mo? Pabayaan mo na nga! Basta, ang pogi-pogi ng Taobaby ko!" Sabi ni Lacy.
Inirapan ko na lang siya. Hmp! Okay lang naman sa akin no. Basta, ang pogi-pogi ng Lulubaby ko! Sana luha ko na lang yung pumatak sa tattoo niya. Tattoo nga ba yun?
"Huy, Annika. What if nagpunta dito si Lulu mo? Ano ang gagawin mo?" Biglang tanong naman sa akin ni Lacy.
Napatingin ako sa kanya, sabay ngumiti. "Kyaaaa!" Impit na tili ko. "Aba! Pupunta ako kung nasaan siya 'no."
"Seriously?"
"Joke lang! Papa-autograph ako siyempre. Kahit mahal pa 'yan, mag-iipon ako! Yun lang. Papapicture." Kahit gusto ko na makasama siya, imposible naman diba? Huhuhuhu!
"Yun lang? Hindi mo ii-stalk?"
"Hindi no! Ini-stalk ko lang naman siya sa internet pero sa personal? Siraulo ka ba?! Alam mo naman siguro na imposible yun diba?"
"Paano kung may chance?"
Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. "Ano ba ang mga pinagtatatanong mo? Nasisiraan ka na ba?"
"What if may chance?"
"Of course, I will grab the chance. Si Luhan yun e. Kahit maging tour guide niya ako, okay lang! Basta, makasama ko siya!"
"Hmmm, ako din! Kapag si Tao!" Tumawa siya. "Mahal ko yun si Tao!"
"Mahal ko si Lulubaby ko! Kapag pumunta siya dito sa Pilipinas, manunuod talaga ako!" I sighed dreamingly. "Hayy! Luhan! Mahal na mahal kita!"
Bigla naman akong sinapok ni Lacy. "Nothing wrong with dreaming."
Tiningnan ko siya ng masama. "I know that! Kaya nga nangangarap ako 'di ba?"
Ngumiti lang sa akin si Lacy. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Nasa room kasi kami. Hay! Nag-iimagine na naman ako. Paano nga kung pumunta dito si Luhan? Ano nga kaya ang gagawin ko?
Pero, paano kung wala akong pera kapag pumunta siya dito?! Paano ko na lang siya mapapanuod?! Paano ko siya makikita?!
Napatungo ako. Para akong tanga 'no? Nangangarap na naman ako sa wala. Pero, masisisi niyo ba ako? Fan girl ako, eh. Pero, hindi naman ako desperada no! Gusto ko lang talagang makita ang Lulubaby ko!
Buwisit. Luhan, Luhan, Luhan! I love youuuu!
***
Votes and comments!
Thankyou! <3
-Kai