*
Malungkot ako. Oo! Sobrang lungkot ko. Ayoko na! Alam niyo ba ang nalaman ko? Bakit naman ganun? Kung kailan hindi ako handa saka pa mangyayari yun. Paano na lang yung 30days? Akala ko ba nandito siya sa Pilipinas para makalayo sa fans? Pero bakit ganon?
Nalaman ko na lamang na may fansigning si Luhan dito. Bakit ganon? Ipapakita din naman pala niya si Luhan dito sa Pilipinas! Buwisit na Seunghwan yun!
"Are you okay, Annika?"
Napatingin ako kay Seunghwan. Oo! Kasama ko siya sa isang restaurant. May kausap siyang interviewer at reporters kanina. Nasa condominium lang si Luhan. Akala ko kasama namin siya dahil siya mismo ang nagyaya sa akin na sumama pero hindi naman pala. Ipapakita na lang daw si Luhan sa Fansigning Event. Walang concert pero may fansigning event? Ang nice 'no? Pero..... puwede naman yun.
Ngumiti ako saka tumango. "Ahmm, yes. I'm fine."
Tumango siya sa akin. Tumayo na kami nang matapos niyang kainin yung in-order niya kanina nung umalis na yung mga reporters at interviewers. Nandito kami sa isang Korean Restaurant.
"So, I hope you'll be there. Next week, okay? Fansigning event of Luhan?" Sabi niya. Bakit kaya hindi subukan ng lalaking to na ngumiti kahit ngayon lang? Ang sungit ng mukha, eh.
Tumango ako. "Sure."
"You'd better watch news when you get home. Luhan will be at the news tonight." Dagdag pa niya.
Muli akong tumango. "Ofcourse sir. So, let's go? It's getting late."
"Oh, yes. I got to go. Anyway, Luhan is waiting you. He texted me." Sabi niya. "Thank you, Annika. Goodbye." Naglakad na siya palabas ng Korean Restaurant.
Hindi na ako nakapag-bbye sa kanya dahil dali-dali na siyang umalis. Inayos ko muna yung buhok ko at naglakad na ako palabas. Napabuntong-hininga ako habang naglalakad ako palabas ng Korean Restaurant.
Makikita na ng ibang fangirls si Luhan. Tapos, malapitan pa! Fansigning event yun dre! Ayos lang sa akin kung buong Exo members yun, e. Pero, si Luhan lang! Yung bias ko! Napadabog ako. Ugh! Paano na yun? Tapos mamaya, nasa balita pa si Luhan.
Sumakay na ako ng Taxi.
Nang makarating ako sa condominium. Sa kuwarto kaagad ni Luhan ako pumunta. Napatigil ako sa may pinto nang makita ko siyang nakaupo lang sa tabi ng kama niya at parang nakatitig sa sahig. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin na dumating.
Naka-tshirt siya at naka-pants. May pupuntahan kaya siya? Ang aga pa kaya. Marahang kumatok ako.
Lumingon siya sa akin.
Napakunot-noo ako nang lumawak ang ngiti niya. Uh? Kanina tahimik tapos ngayon, ngingiti na lang bigla? Ang weird talaga ng lalaking 'to. Pasalamat siya, mahal ko siya.