Please, play the music while reading this chapter. Thank you
~*~
"Please, don't be in love with someone else,"
Nang sabihin ko yun kanina, he just smiled at me. Yun lang. Ngumiti lang siya. Nadismaya ako ng kaunti but happy at the same time. Nakahiga na ako sa kama ko, I can't sleep. Dahil siguro nasa kabilang kama lang si Luhan? Tulog na siya, eh.
Tumingin ako sa kanya. Ano kaya ang inisip niya kanina nang sabihin ko yun? Na-turn off kaya siya sa akin? Napailing ako. Hindi naman siguro! Wala naman masama sa sinabi ko 'di ba? Sinabi ko lang yung nararamdaman ko sa kanya.
"This fantasy can turn into reality, Annika. You just have to believe,"
"How can I leave someone like you? Shit, Annika. I'm gonna miss you."
Sana alam ni Luhan kung gaano ako kasaya nang dahil sa mga sinasabi niya. I closed my eyes. Bahala na bukas. Hindi ko naman kailangan na isipin pa to.
Goodnight, Luhan. Saranghaeyo. ~
~*~
1st day of 5.
"Good morning, Annika!"
Kaagad na napamulat ako ng mata. Napabalikwas ako ng bangon nang mabungaran ko ang mukha ni Luhan.
"What are you doing there?!" Tanong ko. Nakaupo kasi siya sa tabi ng kama. Meaning, pinagmamasdan niya akong matulog!
Nag-shrug lang siya at nag-smile. "Nothing, watching you sleep."
Inirapan ko siya. Mukhang kanina pa siya gising. Kumuha muna ako ng damit sa cabinet na pinaglagyan namin ng gamit namin then pumasok na ako sa banyo. Nang matapos akong maligo, kaagad na nagbibihis na ako. Nag-shorts at nag-sando na lang ako. Inilagay ko muna yung towel sa buhok kasi natulo siya.
Pagkalabas ko sa banyo, nakita ko si Luhan sa may verandah. Nakatitig lang siya sa kawalan. Napangiti ako. Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko nang mapansin niya ako.
"Let's go?"
"I'm not finish yet." Sabi ko sa kanya.
Naupo ako sa kama ko. Kinuha ko sa bag ko yung mga pang-ayos ko at inilapag ko lahat ng yun sa kama. Sinuklay ko muna yung buhok ko. Maglalagay na sana ako ng powder nang bigla akong higitin ni Luhan. Hinigit niya ako palabas ng room namin.
"Yah! I'm not —-"
He stopped walking then nilingon niya ako. "You're beautiful enough. You don't need to use make-up." Nakakunot-noo na sabi niya.
Natigilan naman ako. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya. And again, hinigit na naman niya ako. Hilig niya to. Psh. Nang makalabas kami ng hotel, napangiti ako bigla. Ang sarap kasi ng hangin.
Yung main lobby, sobrang ganda! Parang, event hall. Paano pa kaya kung even hall na ang makita ko? Kumain muna kami ni Luhan sa Allegro Restaurant, pagkatapos naman dun, naglakad-lakad kami sa seashore. Ipinikit ko ang mata ko. Kinakabahan ako na ewan!