~*~
Kaagad na napamulat ako ng mata nang marinig ko yung alarm clock ko. Bumalikwas ako ng bangon. Oh hell, antok pa ako! Hindi ako masiyado nakatulog kagabi dahil pabalik-balik sa utak ko yung mga sinabi ni Luhan sa akin kahapon.
"Of course! She will be my wife. And I don't know where she is yet. You as my bestfriend and you as tinkerbell, you will help me to find my wendy. Please? You will help your peter pan, right?"
Grabe, hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil bestfriends kami. Pero honestly, masakit para sa akin. Bestfriends. Oo, nakakatuwa kasi bestfriend ko na si Luhan. Ang kpop star na tinitingnan ko lang noon sa harap ng computer ko.
Napasulyap ako bigla sa computer ko. Kamusta ka na kaya ano? Inipit ko ang buhok ko at pumunta ako sa harap ng computer ko. Ano kaya ang ginagawa ng EXO? Hindi kasi sila kumpleto dahil wala dun si Luhan. I shrugged.
"Hoy!"
Napatalon ako bigla sa gulat at nilingon ko ang mama ko. "Ano ba, ma?! Bakit ka nasigaw?!" Asar na sabi ko sa kanya. Yea yea, para lang kaming mag-friends. Inayos ko yung kama ko.
"Wala lang. May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong niya.
Naupo ako sa kama ko nang matapos kong tiklupin yung kumot ko. "Alam niyo naman po kung saan ako napunta 'di ba?"
Inakbayan niya ako. "Hmm, okay. Anyway, what happened yesterday? Umuwi kang tulala, eh. Ni hindi mo pinansin ang pag-alok ko sa'yo ng ice cream. Aha! Ni-rape ka na ni Luhan 'no?!"
Tiningnan ko ng masama si mama. "You are crazy!"
"Of course! She will be my wife. And I don't know where she is yet. You as my bestfriend and you as tinkerbell, you will help me to find my wendy. Please? You will help your peter pan, right?"
Pabagsak na nahiga ako sa kama ko nang maalala ko na naman yung dahilan kung bakit ako umuwing tulala kagabi. Sorry, napapa-english lang naman ako pag kasama ko si Luhan, eh. Kinuha ko yung unan ko at itinaklob ko sa mukha ko.
"Ahhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko.
"Hoy! Bakit ba?" Pilit na kinukuha ni mama yung unan sa mukha ko. Nang makuha niya yun, nahiga siya sa tabi ko. "Tell me, did he raped you already?" Parang natutuwa pa siya!
"I'm the fan, I should be the one who'll rape him,"
"So, did you?"
Umiling ako. "Not yet," then sabay kaming tumawa ni mama.
~*~
Kasalukuyan akong nandito sa mall. Bumili ako ng dress. Paalis na sana ako kanina pero naisipan ko na ibili ng pasalubong ang kpop star na baklang yun! By the way, suot ko na pala yung jacket na binigay sa akin ni Lulubabylabs. Hehehe, feel ko lang. Pahanga din ako minsan, eh. Kanina, madami ang natingin sa akin, siguro Exotics din sila. Nangiti yung iba sa akin so I'm smiling them back. I am a friendly fan. Well, jealous fan sometimes.