*
"N-N-NECKLACE?" Parang nalilito ko pang tanong kay Luhan. Ibibili daw niya ako ng necklace? As in yung kwintas? Yung nilalagay sa leeg?! Hindi nga?! Napatingin ako sa kanya. Pero siya, patuloy lang sa paghigit sa akin. "H-hey, wait!"
Tumigil naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "What?"
"You're going to buy me a n-necklace? Aren't you joking?" Alanganing tanong ko sa kanya. Ibibili niya ako ng kwintas! Oh my god Luhan!
Kunot-noong tumango siya. "A-ahh, yes?"
Napangiti ako. "R-really?" Pinisil lang niya ang pisngi ko. Naglakad na uli kami. Sa Silverworks kami pumunta ni Luhan. Awtomatiko akong ngumiti habang nakatingin ako sa kanya. Naniningin na kasi siya ng kuwintas. Yung babaeng saleslady, nakatitig din kay Luhan.
Napairap ako. Tssss. Asawa ko yan! Pero, hindi nga? Ibibili ako ng Luhanbaby ko ng kuwintas? Bakit naman kaya? Fan ka niya. Siyempre, remembrance niya yun sa'yo. Epal na sabi na naman ng utak ko. Napanguso ako. Tsss. Epal.
Medyo kinikilig ako. Shocks. Si Luhan? Bibigyan ako ng kuwintas? Shit lang. Numero unong pangarap ko 'to! Ang makasama ang Luhan ko. Yan lang! Masaya na ako kapag nangyari 'yan. Nang mangyari nga, sobra-sobra naman. Makakasama ko siya ng thirty days! Tapos, masaya pa kami kapag magkasama kami lagi. Binibigyan niya ako ng kung anu-ano na ikakasaya ko.
Dapat ako pa nga ang nagpapasaya sa kanya diba? Pero, baliktad ang nangyayari. Siya ang nagpapasaya sa akin. Kung alam lang ni Luhan kung gaano ako kasaya nang dahil sa mga nangyayari ngayon at noong mga nakaraang araw.
Napakurap ako nang biglang may pumitik sa harapan ko. "H-ha?"
"I am asking you. Do you like this?" He show the necklace in front of my face. Parang naduling naman ako kasi ang lapit-lapit sa mukha ko.
Bahagya akong lumayo at inirapan siya. Pagkaraa'y tinitigan ko yung necklace. Isa siyang silver na necklace. Heart yung medyo maliit na pendant niya tapos Letter L ang nakalagay.
"L-Letter L?" Tanong ko nang mapatingin ako sa kanya.
"Yes. Its Luhan. So, you wouldn't forget those days that we've been together. Kapag umalis na ako, gusto ko masaya ka lagi. Gusto ko lagi mong suot 'to. For me, you are so special. I don't care if you were a fan or what. I just want to give you this necklace because...." He chuckle. "Isn't obvious, Ann? You're important to me now,"
Napamaang na lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun. I am important to him? Sinabi niya ba talaga yun? Hindi ba ako nananaginip lang? Baka naman nagha-hallucinate lang ako? O baka, super ultra mega imagination ko na 'to? Yung tipong, mababaliw na ako kaiimagine? Yung tipong, natulo na yung laway ko sa bahay habang nag ----
"Hey! Are you listening to me?"
Napakurap ako saka parang wala sa sariling tumango. "Y-yes..." Sambit ko. Hindi ko magawang magsalita. Parang.... imposible kasing mangyari ang ganitong bagay diba? Sobrang imposible! Dati-rati kasi... Naiyak pa ako kapag nalalaman kong may nalilink kay Luhan na ibang babae. Tapos ngayon? Binibigyan niya ako ng kuwintas dahil importante daw ako sa kanya?
Kailangan ko bang maniwala? Naramdaman ko na lamang na namuo ang luha sa mga mata ko. Wala akong pakialam sa dalawang saleslady sa loob ng Silverworks! Ang importante sa oras na 'to, yung mga sinasabi sa akin ni Luhan ko.
Ako? Isa lang akong fangirl. Fangirl na nagkaroon ng chance na makasama ang bias niya! Tapos, bakit parang sobra pa yata dun? Okay na sa akin ang makita at makamayan ko ang Luhanbaby ko e. Pero yung ganito? Yung ibibigay niya ang gamit niya sa akin, maglalaro kami sa gamezone, ibinili niya ako ng kuwintas. Sobra na yata 'to diba?