Hello, guys! Sorry for the very very very very very late update! Hope you'll like it. Enjoy!
-fayerytale
**
"Sasama ka ba sa kanya sa China? Sa hometown nila?" Tanong sa akin ni mama. Nandito kami sa sofa at nanunuod ng tv. Luhan is with the manager. Nag-iisip pa din ako hanggang ngayon.
"I'll wait for your answer, Annika."
Mariin akong napapikit nang maalala ko yung huling salita na sinabi niya.
Napatingin ako kay mama. "Hindi ko po talaga alam, 'ma. Natatakot po talaga ako. Paano na lang kung hindi ako magustuhan ng mga magulang niya? Alam niyo naman po yun, ma, 'diba? May tradisyon sila, mama. Alam ko yun."
Kapag naiisip ko yung tradition ng mga chinese, nalulungkot na agad ako. Yun naman kadalasan diba? Ang chinese ay para sa chinese. Paano na lang ako? Filipina kaya ako!
"Annika, don't you believe in yourself?"
Napatingin ako sa mama ko. "Po?"
"Bakit mo pinangungunahan ang mga bagay-bagay? Hindi ka pa nga napapakilala, eh. Malay mo naman magustuhan ka nila."
"Pumapayag ka ba na sumama ako papunta sa China?"
She nodded. I tried to ask Lacy kagabi pero hindi na magising-gising. Until now, nakanganga pa din sa kuwarto ko. Ugh!
"Ma. Wala naman masama kung sasama ako at susubukan ko, 'di ba?"
"Oo naman." Inakbayan ako ni mama. "Anak, don't think too much. Maganda ka dapat kapag ihaharap ka na ni Luhan sa mga magulang niya."
Napabuntong-hininga ako. "Bahala na nga!"
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba? Girlfriend na naman ako ni Luhan so dapat hindi ako matakot. Pero, hindi ko pa din kasi maiwasan ang kabahan. Paano na lang kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung mataray at arogante ang mga magulang niya?
"Talk to Luhan. Sabihin mo sa kanya na pumapayag ka na." Tumayo na si mama at pumunta sa kusina.
Pumapayag na ba ako? Kaya ko ba? Napabuntong-hininga na naman ako.
"Ahhh! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kinakabahan ako!" Pabagsak na nahiga ko sa sofa. "Lord!! Help me naman oh!!"
"What are you doing?"
Napabalikwas ako ng bangon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Luhan na nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa akin. Kinuha ko yung unan sa tabi ko at itinago ko ang mukha ko. Napakagat-labi ako. Nakakahiya!
"Annika." Ramdam kong naupo siya sa tabi ko. Inagaw niya sa akin yung unan. "What are you doing?" Natatawang tanong niya.
Mukhang tangang ngumiti ako sa kanya."Uhm, n-nothing." Napakamot ako sa ulo ko. "You? What are you doing here? Where have you been?"
"I'm here to know your answer, Annika."
Natameme na naman ako. "A-are you sure about this Luhan?"
"Yes."
Napatitig ako sa mga mata niya. He's sincere. Hindi ba siya kinakabahan na baka yung mga magulang niya ay hindi ako magustuhan? Paano nga kung ganun ang mangyari? Posible yun 'di ba?
"Are you thinking that they may not like you?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka tumango. "That's not impossible to happen, Lu."