~*~
"L-Leanne?"
Ngumiti siya at naglakad palapit sa akin. "Ikaw pala yung tinutukoy ni Luhan? Sabi ko na, eh. Siya yung nakita namin sa park nun 'di ba? Yung naghahabulan kayong dalawa? At siya rin yung lalaking kasama mo noong kausap niyo yung kapatid ko."
I tried to smile at her. "A-ahh, oo."
"You're so lucky. Nakakasama mo ang taong pinapangarap ng mga fangirls katulad ko. Exo fanatic ka diba? So, ano ang nararamdaman mo na kasama mo siya?"
"Masaya. Bias ko siya, eh." Sagot ko na lang.
"Paano kapag nalaman ng mga tao na ikaw yung tinutukoy ni Luhan, ano ang gagawin mo?"
Napatingin ako sa kanya. "Bakit? A-Are you going to tell them?"
Umiling siya. "No, but in one condition."
"Condition?"
She nodded. "Yeah. Ipakilala mo ako kay Luhan."
"Kilala ka na niya." Sabi ko. Shet. Ano na naman ba to!
"Gusto kong makita ang mukha niya ng malapitan. Gusto ko mahawakan ang kamay niya. Fangirl ako, pangarap ko yun. Fangirl ka din kaya wag kang madamot." Sabi niya tapos tinalikuran na ako.
Siya ba ang magiging kontrabida ng buhay ko?
~*~
"Ann?"
Napatingin ako kay Luhan. Nandito kami sa condominium niya. Gabi na at medyo katatapos lang nung fansigning event niya. Hindi sana ako pupunta dito pero si Seunghwan mismo ang tumawag sa akin. Kaya ayun, pumunta na din ako kahit ayaw ko. Pati mukhang pagod na pagod ang Lulubabyko.
"Hmm?"
"A-are you okay?"
Tumango ako. "Ofcourse. Why?"
"You're so quiet." Puna niya habang nakatingin na nakatingin sa akin. Sa couch kasi ako nakaupo tapos siya naman ay nakaupo sa kama niya.
Ngumiti ako sa kanya. "I'm just thinking something. Luhan, r-remember Leanne? The girl we met in the park?"
Nag-isip pa siya tapos tumango. "Ahh, yes! Why?"
"S-she wants to know you personally." Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Really? Sure."
Pumayag siya. Meaning, magkikita sila. Magkakahawak sila ng kamay. Magkakangitian sila sa isa't-isa. At, ako? Nakatingin lang sa kanila habang nangyayari yun. Bakit nasasaktan ako kahit hindi pa nangyayari? Grabe na.