~*~
Nang makauwi ako sa bahay. Sa kuwarto ko kaagad ako dumeretsyo. Hindi ko nakita si Mama sa sofa kanina. Baka nasa kusina siya nang dumating ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Luhan. Patagal ng patagal, mas lalong lumalalim ang damdamin ko kay Luhan! Nababaliw na ako.
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Hindi ko pa din sinabi kay Luhan. Iniiba ko ang usapan, kanina sa condo, naglaro na lang kami ng kung ano-ano. Wala na! Inalis ko sa topic namin yung dahilan kung bakit ako malungkot. Hindi na naman niya kailangan malaman pa yun. Sa akin na lang yun!
I sighed. "Luhan, bakit ba ginagawa mo sa akin to? Oo, masaya ako kasi pangarap ko to eh! Ultimate dream ko to. Nangyari na. Maging masaya dapat ako! Pero kasi, kahit gustuhin ko maging masaya, ako pa din naman ang masasaktan sa huli kasi iiwan mo din ako. So please, wag ka na maging sweet sa akin," I'm having a chit-chatting with the ceiling.
These past twelve days, I was so happy! Of course! Nito ko lang naramdaman ang ganoong kasaya! Dahil ang ultimate dream ko, nangyari sa akin. Dahil hindi ko inaakalang mangyayari to. Dahil to kay Mary. Dahil sa pagkuha niya ng pictures ko sa canteen ng school at ayun pinakita niya kay Luhan. Dun pa nga lang masaya na ako eh.
Pero, hanggang kailan na lang ba ako magiging masaya? May katapusan din to. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag natapos ang panaginip na to.
"Ahhhhhhhhh!" Impit na tili ko. Ano ba naman kasi tong iniisip ko?! "Nababaliw na ---" Napatigil ako sa pagsasalita nang mag-ring ang cellphone ko na nasa bedside table ko lang. Baka si Lacy! Miss ko na ang gurang na yun e! Muntik na akong malaglag sa kama ko nang makita ko yung pangalan ni Luhan sa screen.
I took a deep breathe. Kinuha ko yung cellphone at sinagot ko yun. "H-hello?"
"You're still awake,"
Suddenly, yung heartbeat ko naging baliw na naman! Jusko. Lagi naman ako ganito! Kahit noon pa! Kahit sa youtube lang! "Isn't obvious?"
"I'm hungry," He used his baby tone voice.
OMO! "H-hungry? Do you want to eat?"
"Yes, come here please,"
Nanlaki ang mata ko. "H-ha? As in now?"
"Yes,"
"Ser ---"
"I'm serious,"
Napalunok ako. "U-uh, o-okay. Wait," then I ended the call.
~*~
Jollibee na lang ang binili ko para kay Luhan. May mabibilhan pa ba ako? Eh sobrang lalim na ng gabi. Nagdalawang isip pa nga ako kung pupunta ako eh. Pero, alam niyo naman ako! Hindi ko matitis ang bias ko! Mahal ko to e!
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto niya, huminga muna ako ng malalim. Ano kaya ang ginagawa niya? I was about to knock when the door open. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Luhan. Napatitig ako sa kanya. Shit! Ang messy ng hair niya at dumagdag yun sa kaguwapuhan niya! Puteeek! Yung feelings ko di ko na matiis!