*
MAGANDA ang gising ko nang dahil sa mga nangyari kagabi. Isinulat ko lahat yun sa diary ko! Oo, may diary ako! Pakialam mo?! Nito lang ako nagkaroon nito dahil sa Luhanbaby ko. Dito ko isusulat lahat ng nangyayari sa amin.
Lahat ng binibigay niya. Isusulat ko din dito. Ito ang tanda na nakasama ko talaga ang Luhan ko. Napangiti ako. Kinuha ko yung diary sa ilalim ng kama ko. Hinalikan ko yun.
Naalala ko bigla yung halik ni Luhan sa pisngi ko kagabi. Kyaaaaaaaa! Promise! I won't forget that kiss! Ugh.
*
"WHAT IS THIS?" Tanong sa akin ni Luhan. Nasa bayan kasi kami. Ganun pa din. Tabon na tabon pa din siya. Kahit mainit, nakajacket siya at nakabonet. Ayos lang yung shades. Mainit nga diba?
Ang tinutukoy ni Luhan ay yung banana cue. Napatigil kasi kami sa isang simpleng kainan doon sa bayan. Yung tindera, panay ang tingin kay Luhan. Medyo dalaga pa kasi yung nagtitinda.
"Banana cue." Ngumiti ako at tumingin sa kanya. "You want to try it?" Tumingin siya sa akin. "Don't worry. Its delicious," bumaling ako sa tindera. "Miss, dalawa nga po."
Napakunot-noo ako. Parang hindi kasi niya ako narinig. Nakatingin lang siya kay Luhan. Napataas ang kilay ko. Seriously? Nalandi kaysa atupagin ang pagtitinda?
"Excuse me, Miss?" Si Luhan na ang nagsalita.
Napakurap naman yung babae. "B-bakit po?"
Lihim na napairap ako. "Nabili po ako ng dalawang banana cue. Kanina pa po ako naimik dito pero parang hindi niyo ako naririnig." Medyo mataray na sabi ko sa kanya. Buwisit.
Tumango lang yung tindera at binigyan na kami ng banana cue. Inabot ko na sa kanya yung bayad at umalis na kami ni Luhan. Habang naglalakad kami, inabot ko na kay Luhan yung kanya. Nagsimula na akong kumain.
Napatigil ako sa pag-kain nang maramdaman kong nakatingin sa akin si Luhan. Nakanguso ako habang nakatingin sa kanya. Tumigil kasi ako sa pagnguya! "What?"
Ngumiti siya sa akin. "You're cute."
"Why don't you eat that?"
Tumango siya sa akin at kinain na din niya yung banana cue niya. "Wow, its delicious."
Napangiti na lang ako habang tinitingan kong nakain si Luhan. Naubos ko na kasi yung akin, eh. sa 7eleven na lang ako bibilhin ng iinumin namin. Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong ang daming babae sa labas ng 7eleven. From the looks of it, mukhang mga highschools pa lang sila. Oh shit.
"What's the problem?" Tanong ni Luhan na nasa tabi ko.
Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa mga babaeng nasa labas ng 7eleven. Paano kapag namukhaan nila si Luhan? Paano kapag nakita nila si Luhan? Ano ang mangyayari?
Napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko. "I know what you were thinking. Don't worry,"
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. "Are you sure? Paano kapag ----"
"Just relax, okay?"
Huminga ako ng malalim saka tumango. Naglakad na kami ni Luhan papunta sa 7eleven. Mula sa pagdadaldalan ng mga babae doon, natahimik sila nang makita nila kaming padating. Sinasabi ko na nga ba!
"Sino yung guy? Ang guwapo naman! Mukhang artista!" Narinig kong bulong ng isang babae.
"Oo nga! Kamukha ni Luhan ng Exo!" Sabi nung isa pa.