~~
"ANNIKA! Bilisan mo at male-late na tayo sa misa. Bagal mo talagang kumilos na bata ka! Nag-papaganda ka pa yata, e!" Sigaw ng mama ko mula sa labas ng kuwarto ko.
"Tapos na po ako, 'Ma! Wait lang."
Nang matapos kong suotin yung sandals ko, kaagad na lumabas na ako ng kuwarto ko. Muntik pa akong madulas mabuti na lang at napakapit ako sa doorknob.
Mabilis na bumaba ako ng hagdan. Si Mama naman, nasa may pinto na at ang sama ng tingin sa akin. Akala mo'y galit pero hindi naman. Ang nanay ko kasi, baliw. Inborn. Joke! Lumabas na kami ng bahay.
Nang makarating kami sa simbahan, medyo madami din ang tao. Mainit ng kaunti pero mahangin naman. Magulo ba? Isang oras lang ang simba. Nakakainip pero okay lang naman. Nag-sorry din ako sa mga kasalanan na nagawa ko. Kung meron man.
Nagpunta kami sa mall ni Mama at kumain kami sa Jollibee. Pagkatapos nun, naglakad-lakad kami. Nang dumaan kami sa Kpop Store, tumigil ako at pumasok ako sa loob. Napangiti ako nang may makita akong jacket na nakalagay sa likod ay Luhan sa harap at WOLF 88 sa likod. Oh sheeeeet..
Kaagad na lumabas ako at hinabol ko si Mama na patuloy pa din sa paglalakad. Pinigilan ko siya sa braso.
"Mama, ibili mo ako dali." Sabi ko habang hinihigit ko siya papasok sa loob ng Kpop Store. Hindi naman ganon kadami ang tao sa loob.
"Alin na naman ba yun?" Tanong niya nang nasa loob na kami.
Itinuro ko yung jacket na kulay black na may Luhan sa harap tapos WOLF 88 sa likod. "Please, 'Ma? Ito lang naman ang pinabili ko sayo diba? First time kong magpapabili sayo! Please?"
Tinignan ni Mama yung presyo. "750 pesos? Alam mo bang madami na tayong mabibiling pagkain diyan? Prutas? Mga makakain ko tuwing gabi habang nanunuod ng The Innocent Man? Tapos yan?" She pointed at the jacket. "Jacket lang? 750 na?"
Kailangan ba yun? Yan ang nanay ko! When I asked her to buy me some kpop things, she will just complain how expensive it is!
Napanguso na lang ako. Lalabas na sana ako nang magsalita ulit siya. "Okay. Ibibili na kita. Ang pangit ng mukha mo buwisit ka."
Nagliwanag ang mukha ko. Lumapit ako sa mama ko at niyakap ko siya. "Thankyou 'Ma! Go na! Ibili mo na ako dali."
Inirapan ako ni Mama sabay kuha dun sa jacket. Binayaran na niya yun sa counter. Napangiti naman ako. Ganyan naman ang nanay ko e. Puro salita lang yan pero ibibili din niya ako. Mahal na mahal ko nan. Iisa lang naman kasi akong anak. Si Papa, nasa ibang bansa at nagtatrabaho.
Kaagad na kinuha ko kay Mama yung paper bag at masaya kaming lumabas ng Kpop Store. Omo! Kompleto na ang araw ko!
Panakaw na humalik ako sa pisngi ni Mama. "Thankyou 'Ma! Mahal na mahal mo talaga ako!"