~*~
Nandito na ako sa bahay. Yes, I woke up early. 5am, I guess. Hep! We didn't slept together, okay? Baka yun ang isipin niyo, eh. I didn't bother to wake him up. Hindi kasi talaga kaagad kami nakatulog kagabi dahil sa sobrang kulit niya. Ako na din ang kumain nung pagkain.
Inaayos ko na yung gamit ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa ng mga damit. Eh ito kasi ang sabi ni Luhan, e. Pero, gusto ko din. I want to be with him before his last day here in Philippines. Sobrang ma-mimiss ko siya.
"Annika,"
Napalingon ako sa likod ko. At nakita ko ang nakangiting si mama. "Get out," bumaling na uli ako sa ginagawa ko. Ramdam ko na naglakad siya papunta sa akin. And here she was, nakaupo na siya sa kama ko. "What?"
"Sinabi na ba sayo ni Luhan mo ang kinuwento ko sa kanya kahapon?" Tumawa siya. "Don't worry, anak. Alam kong natutuwa siya habang nagkukuwento ako."
Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit ko sa bagpack ko. "Eh bakit sinabi mo na gusto ko din siyang rape-in?! Alam mo bang nakakahiya yun?! Mama naman eh!"
Mas lalong lumakas ang tawa niya. "I didn't say that," she stood up and patted my head. "Make it faster. Hinihintay ka na nun. And I need to be ready. Alam kong bibili ako ng maraming tissues after that goddamn five days. Mapuputol na ang fairytale mo." after that, iniwan na niya ako sa kuwarto ko.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Nang matapos kong ayusing ang mga gamit ko, naupo muna ako sa kama ko. Five days! Five days na lang! Grabe naman, bakit ang bilis?! Hindi pa in love sa akin si Luhan ko! I shook my head. Ugh, nababaliw na naman ako. In the first place, alam ko na naman na hindi talaga maiinlove sa akin ang mas maganda pa sa akin. Aish, Luhan naman kasi e!
Tumayo na ako sa kama ko. Bumaba ako at pumunta ako sa kusina. 7:30am pa lang. Kumain muna ako at pagkatapos ko, naligo naman ako. Then, naghanap ako ng susuotin ko. And yes, white floral dress ang sinuot ko at nag-rubber na lang ako. Sa buhok ko naman, white ribbon din. Yun lang! Simple.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko, bumaba na ako. Naupo ako sa sofa. I sighed. Nalulungkot talaga ko kapag wala akong ginagawa.
"Hindi ka pa ba pupunta kay Luhan?" She asked as she sat down on my side.
Tumingin ako kay mama. "Maaga pa mama. Maya-maya siguro. Bakit?"
Ngumiti lang siya sa akin. Napakunot-noo ako. Ano kaya ang problema ng nanay ko na to? Napapaisip pati ako e.
"Dapat na ba akong bumili ng maraming tissue? Tapos, ilagay ko na sa kuwarto mo?" Tanong niya maya-maya.
Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo, 'Ma."
"Sus, tatangi ka pa, eh dun naman talaga ang punta nun pagkatapos ng last five days mo with him." Tumayo na siya. "Pumunta ka na kay Luhan. You're waisting your time. Magiging masaya ka anak."
~*~