*
"ANAK. Nasa ibaba na ang Luhan mo." Sabi sa akin ni Mama nang pumasok siya sa kuwarto ko. "Ano ba yan, 'Nak! Ang guwapo pala talaga nun 'no? Napatulala na lang ako kanina nang buksan ko yung pinto. Nakuu! Ngayon, naniniwala na ako na si Luhan nga ang kasama mo kahapon!"
Inirapan ko lang ang mama ko. Kahapon kasi, nang makauwi ako, sinabi ko sa kanya na si Luhan ang kasama ko. Eh hindi naman naniwala. Hindi ko na din pinilit maniwala. Idagdag pang, pagod ako kahapon.
Lumabas na si mama ng kuwarto ko. Kinakabahan ako. Baka kasi mamaya, pumasok na lang dito bigla si Luhan! Eh puro posters niya ang nandito. Nakakahiya kaya yun! Ano na lang ang iisipin niya? Napatalon ako nang biglang may kumatok.
"Uhh, s-sino 'yan?!" Sigaw ko.
"Its me. Luhan,"
Nag-panic kaagad ako. Papapasukin ko ba siya rito? Omg, ano ang gagawin ko? Ugh. Bahala na nga! Kakapalan ko na lang ang mukha ko! Tutal, alam na naman niya na fan ako ng EXO. Pero, hindi naman niya alam na siya yung pinakagusto ko sa kanila.
Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan yung pinto. Sinilip ko muna siya. Hindi ko muna binuksan yung pinto kasi nga makikita niya yung kuwarto kong puno ng posters niya!
"U-Uhh, H-hi?" Bati ko sa kanya. Nakalabas lang yung ulo ko sa pinto. Shit. Kinakabahan talaga ako. Ano na lang ang gagawin ko? Annika! Kumalma ka lang!
"Can I come in?"
"H-ha?"
Naalala ko tuloy bigla yung time na nag-uusap kami ni Lacy tapos tinanong niya ako kung paano kapag pumunta dito si Luhan sa Pilipinas. HAHAHAHA! Kasama ko na siya ngayon! Hindi ko pa din talaga maiwasan na mag-isip kung totoo ba talaga to o hindi. Ewan ko, minsan iniisip ko na panaginip ang lahat ng ito. Na nag-i-imagine lang ako. Na magigising lang ako kapag sinapok at sinigawan na ako ng nanay kong eskandalosa.
"Hey, can I come in?"
Napakurap ako. "H-ha? O-okay," sabi ko at binuksan ko na ang pinto. Biglang nanlaki ang mata ko. Did I just let him in?! How stupid of me! Nakatalikod na siya sa akin pero ako, nakatulala pa din sa pinto.
"Woah. Now I know, you're my fan,"
Awtomatikong napapihit ako paharap sa kanya. "H-h-h-ha? Y-y-yes. S-sorry. P-promise, I'm gonna throw ----"
He looked at me. "No. Don't throw it. I find it sweet." He winked at me, tapos nilibot niya ang buong kuwarto ko.
Parang matutumba ako nang dahil sa kindat niya. Seriously?! Kinindatan niya ako? Noon, pinapangarap ko na sana ako ang kinindatan niya. Pero, ngayon! Nangyari siya! Annika! Bakit ang suwerte mo?!
"Hindi ka ba nasasawa sa mukha ko?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "H-ha? H-hindi naman."
"Why?"
I shrugged. "U-Uhh, I-I don't know," Luhan, please! Don't ask me hard questions! Kinakabahan ako. Shit naman kasi. Nahuli tuloy ako!
He smiled. "You're blushing,"
I turned back. "I-I-I am not blushing. A-ahmmm, L-Luhan, let's go outside." Mariing pumikit ako ng mata. Dapat kasi hindi ko na lang sinabi sa kanya kagabi kung saan ang bahay namin, eh! Pumunta pa tuloy siya dito!
"I like your room," sabi niya.
Napayuko na lang ako. Pero, nagulat na lang ako nang biglang makita ko ang sapatos ni Luhan sa harap ko. Meaning, nakatayo siya harap ko. Nag-angat ako ng tingin. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Napakunot-noo siya pero ako, nananatili lamang na nakatingin sa kanya.