TKSAI 22 (Day 11)

2.8K 50 5
                                    

~*~

"So, ano? Pupunta na ba ako diyan sa inyo? Tapos, pupunta na tayo kay Luhan?" Napasimangot ako nang dahil sa sinabi ni Leanne. Oo, kausap ko siya ngayon sa cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit may number ako sa babaeng yun. 

"Oo, sige." Sagot ko na lang. 

"Gosh! I'm so excited!" Impit na tili niya then she ended the call. 

Napatingin ako sa mama ko na nakaupo sa harap ko. "Ma! What should I do? Makikilala ni Leanne si Luhan! Paano na ako? Paano ang -- aray ko naman!" Binatukan lang naman ako ng nanay ko!

"Annika, you're overreacting. She just want to meet her idol. What's wrong with that?" Taas-kilay na tanong sa akin ni Mama. 

Napanguso ako. "Eh kasi naman..." Padabog na tumayo ako. "Bihis lang ako, 'Ma." Sabi ko at iniwan ko na ang mama ko. 

Ugh, Annnika! Ano ba ang nangyayari sayo? Napasandal ako sa likod ng kuwarto ko nang makapasok ako sa loob. Bakit ba kasi ako nasasaktan? Hindi ko dapat ito maramdaman. Parehas lang kami ni Leanne na ang bias ay si Luhan. Yun lang yun! I don't have to feel this.

Napailing ako at nag-bihis na lang. 

~*~

"Where's Luhan?" Kaagad na tanong sa akin ni Leanne nang magkita kami dito sa bayan sa isang coffee shop. 

"Nasa condo niya siguro," sagot ko. 

She stood up. "Eh ano pa ang ginagawa natin dito? Tara na! Please? I really want to see him! God! Pangarap ko ang makita siya! And this is my chance!" Naupo uli siya. 

Pinigilan ko lang na mapa-angat ang kilay ko. Nagseselos kasi talaga ako! Hindi niyo naman ako masisisi 'di ba? Karibal ko kay Luhan ang kasama ko. Freshmen 'to, second year college ako. Tinitigan ko ang mukha niya. At isa pa, she's prettier than me. I bet, mas magugustuhan ni Luhan na kasama to. Ano ba ang pumapasok sa kukote mo, Annika?! 

Tatayo na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ko sa screen ng phone ko ang pangalan ni Lacy. Tumingin ako kay Leanne. "Excuse me," sinagot ko yung tawag at lumabas muna ako sandali sa coffee shop. "Hello, Lacy? Shocks! I missed you so much! Kamusta ka na?!" 

["I'm fine, bestfriend! Ikaw ba? Napanuod ko yung fansigning event ni Luhan! Grabe! Sobrang daming tao! I know you were there!"]

"W-well, yeah. Uhm, Lacy. I need to tell you something," sabi ko. 

["What is it?"] 

"Luhan and I are friends," 

["Sus, eh yun lang naman ---- what?!"] Malakas na sigaw niya sa kabiling linya. Inilayo ko sa tainga ko yung cellphone ko. 

"You don't need to shout, Lacy," parang pagod na pagod na sabi ko sa kanya. 

["A-are you kidding me?"] 

"I am not," sagot ko lang. "Kung ayaw mong maniwala, eh 'di wag! Sa pasukan ko na lang sasabihin sayo. Matatapos na din naman ang sembreak. Okay? May aasikasuhin lang ako. Bye bestfriend. Missed you!" After that, I ended the call. 

Bumalik na muli ako sa loob. Naupo ako sa harap ni Leanne. Napakunot-noo ako nang mapansin kong titig na titig siya sa akin. 

"Stop staring, will you?" 

"Sinong yung kausap mo? Si Luhan ba yun?" 

Umiling ako. "My bestfriend." 

"Hmm, okay! So tara na kay Luhan please!" 

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now