*
"MAMA! Anong breakfast natin?" Tanong ko kay mama nang puntahan ko siya sa kusina. Nagluluto pa lang kasi siya. Its just five am in the morning. Maagap ba masiyado ang gising ko? Trip ko, e.
"Letse kang bata ka. Bakit ang aga mong nagising? Don't tell me na may lakad kayo ni Luhan ng ganitong oras?" Tanong niya. Naupo siya sa harap ko.
Nakahalumbaba lang ako habang iniinom ko yung Milo ko. "Wala naman. Maaga naman kasi akong nakatulog kagabi e."
"Sus. Hindi mo na tinitingnan ang pictures ng Luhan mo?" Nakangiti pa niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi na. Kasama ko na siya, e. Mas gusto kong tingnan ang mukha niya sa personal kesa sa mga blogs,"
"Alam ba niya na ginagawa mo yun noong time na hindi mo pa siya kasama?"
"Duh? Alangan naman na sabihin ko pa sa kanya yun! Nakita na nga niya ang mga posters sa kuwarto ko, eh."
"Really? Anong sabi niya?"
I shrugged. "He liked it daw,"
"Ahh. Eh paano kapag umalis na ang Luhan mo? Back to fangirling again?" Tanong niya at bumalik na siya sa pagluluto.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kagabi ko pa iniisip yun. Oh, I mean.... Lagi ko palang iniisip yun. Hindi ko nga lang talaga malaman ang sagot. Ano nga ba ang mararamdaman ko kapag wala na dito si Luhan? Ugh, bahala na. As long na kasama ko siya, masaya pa ako. Fangirl nga, eh.
Napaigtad ako nang mag-ring ang cellphone ko. Nakapatong kasi yun sa harap ko. Kinuha ko yun at tiningnan ko. Napangiti ako nang makita ko sa Pop-up na si Luhan ang nag-message.
From: Luhan.
Good morning, Ann. Take care, okay? See you later.
Bakit naman kaya ang aga magising ng isang yun?
To: Luhan.
Annyeong! Good morning too, Lulu!
Yan ang reply ko sa kanya. Napangiti na lang muli ako. Pagkatapos kong kumain, pumanhik na kaagad ako sa kuwarto ko at naligo ako. Ang usapan kasi namin ni Luhan kagabi bago kami umuwi. 7am daw kami magkikita.
Excited na ako. Hihihi. Lagi naman akong excited kapag si Luhan ang kasama ko. Sanay na din naman ako sa kanya. I'm treating him as an ordinary person. Yung parang pag-trato ko sa mga kaibigan ko sa school. Para sa akin, kapag kasama ko si Luhanbaby ko, hindi siya kpop star. Parang ordinaryong tao lang.
Pero kapag nakikita ko ang mga pictures niya sa internet, nalulungkot ako. Kasi sa mga susunod na araw, babalik na naman ako sa pagiging ganoon. Sa pagtingin-tingin ng mga pictures niya sa internet.
Napabuntong-hininga ako. Bahala na si Peter pan.
*
"LULU! What the ----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang isubo niya sa akin yung cake na kinakain namin. Nasa Cake shop kami dito sa bayan.
Tumawa siya. "You're so cute!" Sabi niya at pinisil pa ang pisngi ko.
Inirapan ko lang siya. Aba! Subuan ba naman ako ng malaking cake? Tss. Pero sshh! Kinikilig po ako. Kanina pa siya ganyan. Ang kulit-kulit niya tapos ang likot-likot. Kung saan-saan ako hinihigit. Tapos, kanina pa siya kain ng kain. Ilang araw siyang hindi kumain? Kahit ayaw kong kumain, hindi siya napayag. Hindi din daw siya kakain kapag hindi daw ako kumain.
Pasalamat siya, mahal ko siya. Nakuu. Kung hindi, hindi ko kakainin lahat ng inaalok niya. Pero, wala eh. Mahal ko, eh.
Naglakad-lakad naman kami ni Luhan. Saan kaya magandang dalhin ang isang 'to? Napaisip ako sandali. Kyaa! Alam ko na! Sa secret garden ko na lang siya dadalhin. Sa village namin yun. Sa Phase 7. Eh, phase 6 naman kami kaya malapit na yun.