**
"BESPREN! Look! Posters ng Exo!" Kaagad na napatingin ako sa itinuro ni Lacy. Oo nga ano! Tumakbo kami palapit doon at tiningnan ang posters ng Exo. Narito kami sa Mall. "Omo! Ang guwapo talaga ni Tao!"
"Guwapo talaga ni Luhan, oh. Baby face talaga siya! Mas mukha siyang babae kaysa sa atin. Mas maganda pati siya sa mga kpop girl group." Sabi ko, sabay tumawa. "Pero, mahal ko si Lulubaby ko!"
"Oo na! Ilang beses mo ng sinabi na mahal mo ang Lulu mo. Hindi ka naman niya mahal." Sabi sa akin ni Lacy.
Tiningnan ko siya ng masama. "Ouch ha. Feeling mo mahal ka din ng Tao mo?"
Umiling siya. "Hindi rin. H-hehe."
Inirapan ko siya. "Oh diba? Parehas lang tayong nangangarap!" Sabi ko, sabay tawa. Tumawa na lang din si Lacy. Hindi naman kami bumili ng posters. Halos lahat kasi ng nandon, nasa kuwarto ko na. Kaya hindi na ako bibili. Pero si Lacy, bumili ng keychain ng pinakamamahal niyang si Tao.
Kumain lang kami at nagpaikot-ikot sa mall. Nang mapagod kami, niyaya ko na din siyang umuwi. Mas gusto kong titigan ang mukha ng Luhan ko kaysa magpakapagod ako sa paglalakad dito. Masarap kasing titigan ang mukha ng asawa ko. Oo! Asawa ko si Luhan! Papalag ka?!
Nang makadating ako sa bahay, kaagad na pumunta ako sa kuwarto ko. As usual, mga pictures na naman ng Lulubaby ko ang tinitingnan ko.
Biglang nagtaas ang dugo ko nang may makita ako sa news feed ng facebook ko. Sasaeng fans? Ano naman to? Nang mabasa ko lahat ng details, halos lahat ng dugo sa katawan ko, pumunta yata lahat sa ulo ko! What the hell is the meaning of this?!
Bakit nila sinasaktan ang Exo? Bakit nila ginaganito ang Exo? Ang bad naman nila! Obsessed sila sa Exo. Dapat hindi ganyan ang ginagawa nila. Mahalin at suportahan nila ang Exo in a right way. Sasaeng fans. Who the hell are you? Bakit niyo sila sinasaktan?
Napataas ang kilay ko nang mapanuod ko yung video na halos matumba na ang Exo dahil sa mga sasaeng fans na yun. Tapos, natumba pa si Lulu ko! Pakingshet! Sino ba ang mga to at sinasaktan ang loveydudes ko?!
Nang matapos kong panuorin yung video, kaagad na nagpost ako sa twitter ko. #Sasaengstop! Hahaha! Nakikiuso lang naman ako sa mga trending ngayon. Katulad ng Exo, trending sila. Duh. Chicser? Ewww.
Anyway, highway. Nang matapos na akong gumamit ng computer ko, nagpalit na ako ng damit ko. Ang init kasi, eh. Nahiga na lang muna ako sandali sa kama ko.
Imagine dito, imagine dun. Yun lang naman ang gawain ng mga fangirl, eh. Ang mag imagine na kasama nila ang bias nila, na sana taga dito sila sa Pilipinas, na sana makilala sila ng mga bias nila. Ako din naman, ganun.
Yung iba, balak pumunta sa Seoul, Korea kapag nagkapera sila. Oo, nakapunta sila. Pero yung number one purpose nila, hindi nila nagawa. Ang makita ang bias nila.
Pero, Annika! Don't worry! Makakapunta ka din sa Seoul. Hintayin mo lang ang tamang panahon! Makikita mo din ang Lulubaby mo!
Napabuntong-hininga ako. Heto na naman ako. Nangangarap ng gising. Imposibleng pangarap, pinapangarap. Aba'y lintek! Masama bang mangarap?! Nangangarap na lang diba? Kaya sasagad-sagadin na ito.
Napabangon ako nang mag-ring ang cellphone ko. Si Lacy ang natawag. I rolled my eyes. Magkasama lang kami kanina tapos tatawag pa?
"Hello?"
"Besssssssssssssssssssssss!"
Aray ko! Letse! Inilayo ko yung cellphone ko sa tainga ko nang dahil sa lakas ng sigaw ni Lacy. Puchaa! "Shet. Bakit ka ba nasigaw?!"
"H-hehe. Wala lang. Nabalitaan mo yung about dun sa sasaeng fans? Galit si Taobaby ko, eh. Hayy. Kung nandun lang ako, aalagaan ko siya."
"Oo, nabalitaan ko. Buwisit nga, eh. Ang bad ng mga sasaeng fans na yun. Taga korea pa man din sila. Sila na lang dito sa Pilipinas tapos tayong mga pinoy fans na lang ang doon sa korea!"
"Oo nga bes! Agree ako diyan. Imposible nga lang."
"Sus! I-imagine mo na lang. Pati, puwede ba? Mamaya ka na tumawag? Nangangarap pa ako dito, eh. Kontrabida ka talaga kahit kailan."
"Hmp! K, bye!" And she ended the call. Nahiga na lang uli ako sa kama ko. Natawa naman ako sa sinabi ko kanina. Bakit hindi na lang ang pinoy fans ang sa korea tapos dito ang mga korean fans? Para bagong atmosphere naman. Agree ba kayo mga chingus?
"Hoy, Annika! Lumabas ka nga diyan sa kuwarto mo! Nangangarap ka na naman, eh! May naghahanap sayo sa ibaba."
Kunot-noong bumangon ako ng kama ko. Sino naman yun? Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ko yun pero wala na si mama kaya bumaba na lang din ako. Napakunot-noo ako nang may makita akong medyo may edad na babae sa sala namin. Sino naman kaya to? Akala ko si Lacy.
Naupo ako sa tapat nung babae. "Magandang gabi po. Sino ho sila?"
"Hello. Ako si Mary Lee. Taga Korea ako pero dito ako nag-s-stay sa Pilipinas." Nakangiting sabi niya sa akin.
Korea? Kukunin niya kaya ako para maging Kpop Superstar? Gusto ko Sm entertainment. SNSD! Para ako yung pang-sampu. Edi sakto! Joke!
Napatango ako. "Ahh, b-bakit po?" Kinakabahan na tanong ko.
"Nasa school niyo ako noong isang araw. Naghahanap kasi ako ng babaeng nararapat na makakasama ng alaga ng kaibigan ko sa South, Korea habang narito siya sa Pilipinas. I saw you at the canteen. Napangiti kasi ako nang makita kita. You looked so cute. Pakiramdam ko kapag nakasama ka nong alaga nong kaibigan ko, mag-e-enjoy siya."
"S-so, w-what do you mean po?"
"Parang magiging tour guide ka pero hindi naman actually tour guide. Let's just say na ikaw yung unang kaibigan niya dito sa Pilipinas."
Tour guide? Parang napag-usapan namin ni Lacy yun ah? Si Luhan nga lang ang topic namin nun. Pero iba to, e. Haha!
"Sino ho ba yun?"
"Hindi ko pa din kilala, eh. Next month na kasi ang punta niya dito. Tatawagan na lang daw ako ng kaibigan ko. So, okay lang ba sayo, Annika? Tinanong ko yung pangalan mo sa school mo, sakto naman na kaklase mo yung napagtanungan ko." Ngumiti siya sa akin. "Don't worry. Hindi naman siguro masamang tao yung alaga ng kaibigan ko, eh."
Wala naman masama diba? Siguro, babae pati yun. Tumango na lang ako sa kanya. "Sige po. Next month pa naman po, eh."
"Give me your number so I'll contact you," binigay ko naman sa kanya ang number ko. Maya-maya ay umalis na din siya.
South Korea? Magkakaron ako ng kaibigan na taga Korea? Kyaaa! Chance ko ng matuto ng korean words! Hangul at kung ano-ano pa! Naeexcite ako pero at the same time, kinakabahan din ako. Nakakapagtaka lang kasi, alaga ng kaibigan niya? It means, puwedeng bata pa or kasing edad ko lang?
Sana kasing edad ni Luhan, 23! Hahaha! Okay lang basta guwapo! Korean, eh. Pero, kung babae? Sana kamukha ni Tiffany! Joke! Ano ba yan! Ang assuming ko talaga!
Pero, paano kaya kung SMent yun? Bwahahahaha! Nababaliw na talaga ako! Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumanhik na ako sa kuwarto ko. Sino kaya talaga yun? Dapat pala tinanong ko kung babae o lalaki.
Hayy, bahala na nga!
**
Panuorin niyo na lang po kung paano masaktan ang Exo nang dahil sa mga Sasaeng fans na yan. Nasa gilid po.
Votes and comments!
Thankyou! <3
-Kai