TKSAI 31 (Last day)

2.2K 63 5
                                    

~*~ 

Sinilip ko si Luhan sa kabilang kama. Tulog na yata siya, pero ako hindi pa ako makatulog. Kasi, bukas kapag nagising ako, isang araw na lang ang natitira sa amin ni Luhan. Ramdam ko na, ramdam na ramdam ko na ang sasanib na kalungkutan sa akin. 

Napabuntong-hininga ako. Parang hindi ko kaya na aalis na siya. Sobrang malulungkot talaga ako. Tumayo ako mula sa kama ko at iniipit ko yung buhok ko. Lalabas na sana ako ng room nang biglang may magsalita. Sino lang ba ang kasama ko? Hays. 

"Where are you going?" 

Inalis ko yung pagkakahawak ko sa door knob then lumingon ako. I smiled at him. "I need air." 

"I will come with you," tumayo na din siya sa kama niya. 

"No, just stay here and sleep, okay? I'm fine." Sabi ko naman sa kanya. Mag-eemote nga ako tapos sasama pa siya? Eh nahiya naman ang luha ko? "I'll be back." Lalabas na sana ako pero muli siyang nag-salita. 

"I'm coming with you, Annika. I won't allow you because you're alone." Maya-maya ay nasa harap ko na siya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Mamimiss ko ang mga mata ni Luhan, yung smile niya, yung boses niya, yung kakulitan at ka-sweetan niya. I'll miss everything about him. 

"Okay," nasabi ko na lang then lumabas na kami ng room. 

"It's already late, Annika." Sabi niya nang nasa seashore na kami at nakaupo kami sa sand. Tss, hindi ko naman kasi sinabi na sumama siya diba? Mag-eemote nga kasi ako eh. 

"Go back to sleep. I'm fine here. I just want to think," sabi ko. Sinabi ko lang yun para mapag-isa ako. Nalulungkot ako. 

"No, I won't leave you here alone." 

I just shrugged my shoulders. Hindi na ako nagsalita. Tumingin ako sa wrist watch ko. 12:30am na pala. Napabuntong-hininga ako. Kapag sumapit na ang umaga, nalalapit na ang araw ng pag-alis niya. Hindi ko na makikita si Luhan. Aalis na siya sa isang araw. 

Nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan na naman ni Luhan ang kamay ko. Inalalayan niya akong tumayo, nanlaki ang mata ko nang yakapin niya ako. Hindi ko inaasahan to eh. Well, sanay na naman ako na niyayakap niya ako pero I'm not expecting this one. 

"You're thinking too much, Annika." Sabi niya habang nakayakap sa akin. 

"Sorry, I can't help myself," sabi ko lang sa kanya. 

"You don't have to do that. Don't worry, okay?" Hinagod-hagod pa niya ang likod ko. 

Niyakap ko na din siya. "I'm gonna miss you so much, that's why." 

Bumitiw na siya sa pagkakayakap. Pinisil niya ang pisngi ko. "I'm gonna miss you too, Annika. How many times do I have to tell you that? I know you will miss me because you told me you love me." 

"Do you love me too?" Tanong ko. Wala ng hiya-hiya pa. Kapalmuks na dapat ako. Nadismaya ako nang ngumiti lang siya sa akin tapos hinaplos ang buhok ko. Medyo pakiramdam ko napahiya ako. Pero I don't care, at least I tried to asked him. 

Ilang sandali pa ay naisipan ko ng yayain siyang bumalik sa room. Inaantok na din ako. Tomorrow is another day. Tapos sa isang araw, it's time for me to face the reality. 

Yeah, reality. 

—-

4th day of 5. 

"Wake up, Annika!" 

Kaagad na napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Luhan. Bumalikwas ako ng bangon at tumingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. 

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now