**
At ayun nga, dumating na ang araw ng fansigning event ni Luhan. Nakakabuwisit. Ilang beses na binalita yan. Tapos, habang naglalakad-lakad ako sa bayan, naririnig ko na excited na silang makita si Luhan. Sheeet. Dami ko ng kaagaw sa asawa ko. Yung iba, nanghihinayang dahil wala yung ibang members. Pero okay lang daw dahil si Luhan naman daw yun.
Nagmamaktol lang ako dito sa bahay. Hindi ako pupunta dun! Ayokong makita kung paano pagkaguluhan ang Luhan ko. Panunuodin ko na lang sa tv. Shet. Bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit parang ang sakit sa akin na makikita ng ibang kapwa ko fangirls ang Luhan ko? Hindi ko dapat maramdaman to dahil sikat ang asawa ko! I mean, asawa pala siya ng lahat. Imagination nga naman ng fangirls, aney?
"Hoy, anong ginagawa mo diyan? Hindi ka ba pupunta sa fansigning event ng Luhan mo? Baka hanapin ka ng manager nun!" Sigaw ng mama ko sa akin nang pumasok siya sa kuwarto ko.
Nagtalukbong lang ako ng kumot. "Ayoko! Masasaktan lang ako!"
Nagulat ako nang alisin ni mama sa ibabaw ko yung kumot. Napabangon naman ako. "Hoy, Annika! Umayos ka. At bakit ka masasaktan?"
"Mahal ko si Luhan, 'Ma. Alam mo naman yun diba?" Tiningnan ko siya. Nakakunot-noo lang siya habang nakatingin sa akin. "Mama naman, eh! Mahirap po kaya ang maging fangirl lang!"
Naupo siya sa tabi ko. "Anak, si Luhan, sikat 'yun sa buong mundo. Tapos ikaw, nabigyan ka lang ng pagkakataon na makilala, makasama at makausap ang Luhan mo. Hindi pa ba sapat yun? Pero mali na ang iniisip ng utak mo, eh. Fan ka lang, anak. Hindi ka girlfriend. Wala kang karapatang masaktan. Dati hindi alam ni Luhan na nag-e-exist ka. Ngayong alam na niya na nag-e-exist ka, maging masaya ka. Hindi yung ipagdadamot mo si Luhan sa iba eh hindi lang naman ikaw ang fan niya. Mag-ayos ka na at maligo ka na." Tumayo na siya at naglakad na siya palabas ng kuwarto ko.
Natahimik ako sa sinabi ni mama. Tama naman siya 'di ba? Kahit masakit sa puso ang sinabi niya, kumilos pa din ako at naligo.
Tama si mama, eh. Pero, hindi ko naman maiwasan ang masaktan. Mahal ko si Luhan. Oo dati, fangirl ako. Pero, ngayon? Kaibigan na niya ako. Nang dahil sa ugali niya, lumampas ako sa fangirling level.
*
Malakas na tilian. Pangalan ni Luhan ang isinisigaw nila. Ako? Nandito lang ako sa kung saan. Nakikihalubilo ako sa mga tao. Sobrang daming tao! Grabe! Parang napuno ang third floor nang dahil sa mga fangirls ni Luhan! I
Sa Event Theater kasi ginawa ito, eh. Yung parang sinehan ba? Pataas din yung upuan. Eh, ako naman. Nandito lang sa ibaba. Madami din kasi ang nakatayo dahil madami na ang nakaupo sa upuan. Sobrang daming tao! Sa laking nitong Event theater parang hindi pa nagkasya ang mga tao ngayon.
Kanina nga may narinig pa ako habang naglalakad ako papunta dito sa third floor.
"Anong meron sa third floor? Daming mga teenagers. Napuno ang third floor, eh..."
"Ewan. May korean pop star daw na nandito sa Pilipinas. Ngayon lang yata balak na ipakita nung manager..."
"Paano mo nalaman?"
"Isa yung anak ko sa mga teenagers sa taas."
"Goodafternoon everybody! So, are you ready to see the korean pop star? One of the Exo members?" Sigaw nung MC sa stage. Nakatingin lang ako dun. Hindi ako nasigaw. Halos mabingi na ako sa lakas ng tilian ng kapwa ko fangirls. Pero sa itsura ko, mukha ba akong fangirl ngayon? Parang hindi, eh. Mukha akong tanga na gustong ipagdamot ang Luhan ko.
"Yessssssssssssss!" Yun yung sigaw ng mga kapwa ko fangirls! Yung katabi ko, halos bugbugin na yung kasama niya sa kahahampas niya.
Maya-maya, nagsimula na yung event. Mamaya pa kasi yung fansigning event, eh. Parang may mall show na din. May mga sumayaw, may mga nag-kanta. Halos kalahating oras na din. Maya-maya, lumabas na naman yung MC. Suwerte ng mga tao sa backstage. Nandun din naman dapat ako.