—
6PM in the evening, heto pa lang ako at naglalakad ako pauwi. Kasama ko kanina si Lacy sa mall. Bigla kasi akong nalungkot, hindi ko alam kung bakit. May KPOP Shop kasi sa mall na pinuntahan namin, naisipan namin pumasok ni Lacy dun.
Pero nung makita yung mga pictures ni Luhan, yung mga ngiti niya, yung stolen pictures niya habang nakatawa siya, pati yung jacket na nandun, katulad na katulad ng binigay niya sa akin. Pero, alam ko naman na mas official yung akin.
"Miss mo na siya ng sobra 'no?" Untag sa akin ni Lacy nang mapansin niyang nakatitig ako sa isang photocard ni Luhan sa loob ng KPOP Shop.
Tumango ako habang nakatitig pa din sa picture. "Sobra..." Pabulong na sabi ko.
"Bakit hindi mo kasi tawagan?"
Naglakad na kami palabas ng KPOP Shop. Napabuntong-hininga ako. "Ayokong tawagan siya. Alam ko naman na hindi niya yun masasagot. At panigurado, iba na ang gamit nun na number. He's a busy person, alam mo dapat yun."
Napabuntong-hininga ako. Sa labas ng mall na kami naghiwalay ni Lacy. Si Luhan, tatawagan ko? Napailing ako sa naisip ko. No, hindi ko gagawin yun. Busy si Luhan at dapat intindihin ko yun.
"Wait for me, Annika..." Kapag pumapasok sa isip ko yung last words na sinabi niya bago siya umalis, gumagaan naman kahit papaano yung loob ko. At least, may pinanghahawakan pa ako diba? Siya mismo kasi ang nagsabi nun, eh. Hindi naman ako maghihintay kung hindi niya sinabi yun.
Naupo ako sa couch nang makarating kaagad ako sa bahay. Naramdaman kong naupo ang mama ko sa tabi ko. Inakbayan niya ako at ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya. Hinahaplos-haplos niya ang buhok ko.
"Nak, okay ka lang ba?"
Nung napanuod ko yung promotion video nung isang araw, naging okay naman ako. Pero, hindi ko alam kung bakit naging malungkot na naman ako. Para ka talagang sira, Annika. Sabi ng isip ko. "Uhmm, okay lang ako, 'ma."
"May nangyari ba? O, namimiss mo lang ang Luhan mo? Gising na, anak. Realidad na ang kalaban mo, eh. Tapos na ang fantasy." Ang tinutukoy niya ay yung mga panahon na kasama ko si Luhan.
"Ma, ikaw na ang nagsabi sa akin na hintayin ko siya. Bakit sinasabi mo yan ngayon? Ang labo mo naman, ma." Humiwalay ako sa kanya, sumandal ako sa kinauupuan ko. "Nasasaktan naman ako sa sinasabi mo, eh."
"Anak, ang sinasabi ko lang gumising ka muna sandali. Kasi, hindi mo siya kasama ngayon. Nasa Korea siya, siyempre masasaktan ka kapag iniisip mo siya diba? Nega ka din, nak eh. He told you to wait for him, hintayin mo siya. Pero sa ngayon, wag mo muna siyang kaisipin. Nasasaktan ka at nahihirapan ako dun. Destiny ang bahala diyan, kung kayo talaga ng bias mo na yan, kayo talaga. Pero kung hindi naman, maghanda ka... Iiyak ka na naman panigurado,"
Ganito ba talaga ang buhay ng fangirl na katulad ko?
—
One month later...
"Anak!" Sigaw yun ni Mama mula sa ibaba.
Napabalikwas ako sa kama ko. Napakamot ako sa ulo ko. "Ang aga-aga, sigaw agad ng sigaw..." Tumayo ako at lumabas ng kuwarto ko. "Ano po ba yun?" Tanong ko nang makababa ako. Nasa sofa si mama. Napatingin ako sa mga regalong nasa center table. "Ano naman yan?" Tanong ko.
"Toothbrush ka muna,"
Pagkatapos kong mag-toothbrush, bumalik na ako sa sofa. Naupo ako sa tabi ni mama. "Oh, ano yan? Sabihin mo na po sa akin," iniipit ko muna sandali yung buhok ko tapos tumingin ako kay mama. Napakunot-noo ako nang makita kong ang lawak ng ngiti niya. "Why?"