TKSAI 46 - Meet

468 30 5
                                    



Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot yun. Nanlaki yung mata ko nang may dalawang medyo di-katandaan ang nakita ko na nakaupo sa harap ko. Napakunot-noo ako.

"Are you okay?" Tanong nung babae. Medyo hindi siya sanay sa English pero naintindihan ko yung sinabi niya.

Tumango ako. "Y-yes." Nahihiyang ngumiti ako. Nasaan na kaya si Luhan? Nag-aalala na siguro sa akin yun.

Nakatitig lang yung lalaki sa akin. Sa tingin ko ay mag-asawa sila. Pilit na ngumiti ako. Naipikit ko ang mata ko nang kumirot na naman yung ulo ko. Hindi ko lubos na ma-imagine na nangyari ito sa akin dito. At mas lalo akong nagulat na ganoon ang kayang gawin ng mga chinese fans!

Nakatingin lang ako dun sa babae habang may kausap siya sa phone. Chinese yun kaya hindi ko maintindihan. Pinilit kong bumangon para makaupo ako. Tumingin uli ako sa kanila at dun sa lalaking mataman na nakatitig sa akin. Weird...

Lumingon sa akin yung babae saka ngumiti. "What's your name?"

"Annika." Muli akong ngumiti. "T-thank you for bringing me here. Thank you very much," sabi ko habang natulo ang luha ko.

Lumapit sa akin yung babae at hinaplos ang ulo ko. "It's okay." Napatingin ako sa kanya, she is smiling at me. "Where are you from?"

"I am from Philippines."

"What are you doing here in China?" Napatingin ako dun sa lalaki nang bigla siyang magtanong. Matigas ang boses niya.

"Uhm---" sasabihin ko ba?

"It's okay if you won't tell us," sabi nung babae sabay ngiti. "She's beautiful, right?" sabi niya sabay tingin sa asawa niya.

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. "H-huh?"

Bumalik ang tingin sa akin nung babae nang nakangiti. Napatingin ako kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko. Nagtataka na talaga ako. Ano bang problema ng mga to? Nang tumingin uli ako dun sa lalaki, nakatitig lang talaga siya sa akin habang seryoso ang mukha niya. Crush ata ako. Joke!

Napatingin ako sa pinto nang may pumasok na isang singkit na matangkad na lalaki. May dala itong pagkain.

"You need to eat, Annika."

Gulat na napatingin ako dun sa babae. "H-h-how did you know my name?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "P-passport."

Tiningnan ko yung asawa niya na nakaupo sa couch. Nakatingin pa din siya sa akin. Wtf. Kinakabahan na ako! Kailangan ko ng tawagan si Luhan para sunduin na niya ako dito.

Nagbalik ang tingin ko dun sa babae. Nakatingin na din siya sa akin habang nakangiti. Ano ba ang nagyayari? Hindi ko sila kilala.

"Mam, what are your names?" Tanong ko.

"You'll know later. Eat this first." Aniya sabay bigay sa akin ng pagkain. Nagtatakang kumain na lang ako.

Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa pagkakahiga at ipinikit ko ang mata ko. Nasaan na kaya si Luhan? Paano kaya niya malalaman na narito ako at may kasama akong mag-asawa na hindi ko kilala?

"Are you going to take a nap?"

Ngumiti ako, sabay tango. "Yes, mam."

Ngumiti siya ng matamis at hinaplos ang ulo ko. "Okay! We will wait 'til you wake up."

Naguguluhan na talaga ako sa inaasta nila. Sumulyap muna ako dun sa lalaki bago ko ipinikit uli ang mga mata ko.

Nagising ako nang may marinig akong nag-uusap sa. Iminulat ko ang mata ko at inilinga ang tingin sa paligid. Nang mahagip nang mata ko ang nakaupong si Luhan sa harap ko ay napabangon agad ako. Hindi ko ininda ang kumirot na ulo ko.

"Luhan!"

"Baby!" Niyakap niya ako. "I am so worried!"

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "I-I'm sorry," tumulo na lang bigla yung luha ko. Napatingin ako sa mag-asawa na kasalukuyang nakaupo sa couch. Nakatingin sila sa amin, sabay balik ng tingin kay Luhan. "They brought me here,"

Hinalikan niya ang noo ko. "Don't you ever do that again, Annika." Seryosong sabi niya.

"I'm sorry..."

"Damn, Annika. I'm blaming myself for this." Napatungo siya.

"No, no, Luhan." Niyakap ko siya. "I'm sorry. I'm really sorry."

Tiningnan niya ang mukha ko. "Look what happened to you. T-they hurt you."

Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko na namumuo sa mata ni Luhan ang luha. Hinaplos ko ang pisngi niya. "I'm okay now."

Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, baby..." bulong niya sa akin.

Napatingin ako sa mag-asawa. "Uhm, Lu. D-do you know them?"

Humiwalay si Luhan sa akin at nilingon yung mag-asawa sa likod, sabay tingin uli sa akin. Napangiti ako nang makita ko siyang nakangiti. How I love this kpop star.

"Annika. I want you to meet my parents,"

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now