PROLOUGE

10.6K 173 32
                                    

KPOP STAR? 

Yan yung gusto mong makita. Yung gusto mong maging boyfriend o asawa. Yan yung pangarap mo. Mag-iipon ka para makapunta sa concert nila. Yan yung, pangarap mo. 

Yan yung bias mo. Yan yung bias mo na kapag may rumors, lalo na at na-issue siya sa babae, magagalit at magseselos ka kahit alam mo sa sarili mo na wala kang karapatan. At magagalit ka pa sa babaeng kasama niya sa pictures o sa photoshoots, sa palabas o sa music videos ng kanta nila. 

Yan yung, kapag nakita mo ang pictures nila sa internet, mapapangiti ka na lang. Maiimagine mo na sana, sayo na lang siya. Na sana, makilala mo siya balang araw kahit alam mo sa sarili mo na imposible. 

Yan yung, ii-stalk mo lahat tungkol sa kanya. Ida-download mo lahat ng pictures niya sa cellphone mo. Lahat ng kanta niya, nasa music playlist mo. Pati mga balita tungkol sa kanya, aalamin mo. Maging ang pagkakaron niya ng injured, alam mo. Mapapaimik ka na lang na sana, magaling na siya. 

Yan yung, bago ka matulog, iniimagine mo na sana katabi mo sila, na taga Pilipinas lang sila. Na sana, minsan makasama mo sila. Na nakakakausap at nakakabiruan mo sila. Pero, hanggang saan ka na lang ba? Aasa na lang ng aasa? Na minsan, makikita at makakasama mo sila? 

Pero, paano kung, binigyan ka ng chance na makasama mo siya? Na iniwan niya yung members niya at nagbakasyon siya dito sa Pilipinas ng isang buwan? 

Paano kapag ikaw ang pinili niya  na makasama niya habang narito siya sa Pilipinas? Ano ang mararamdaman mo? Lalo na at, siya yung BIAS mo? 

Papayag ka ba? Kahit alam mo sa huli na masasaktan at maiiwan ka rin? Papayag ka ba kahit alam mo sa sarili mo na imposible siyang ma-in love sayo? 

Ano ang gagawin mo? 

**

Prolouge is done. Hope you like it! 

Anyways, gagawin ko na lang na taglish. Hindi ko gagawing Korean words/sentence. Kahit kaya ko, ayoko naman. Hahahaha! Okay lang ba? =)) 

Thankyou! 

- Kai

The Kpop Star And IWhere stories live. Discover now