~~
"ANO na naman 'yan?" Tanong sa akin ng pinsan kong si kuya Gio. Oo, nandito na sila sa bahay. Mga letse. Bigla na lang siyang pumasok sa kuwarto ko eh saktong pinapanuod ko yung Music Video ng Growl.
Umiling lang ako. "Wala. Nanunuod lang ako."
"Kpop na naman?" Naupo siya sa kama ko. "Naiintindihan mo ba 'yan? Naku, Annika. Sinasayang mo lang ang panahon mo sa mga Kpop na 'yan. Mga gays naman yang mga 'yan, eh."
Tiningnan ko siya ng masama. "Alam mo, Kuya Gio? Kung wala kang masasabing maganda, lumabas ka na lang ng kuwarto ko. Hindi ka nakakatulong diyan!"
Tatlong araw na sila dito sa bahay. Sana umalis na sila! Shit. Nakuwento ko na din last week kay Lacy yung about kay Mary Lee. Ayun, parehas kami ng reaksyon, sana daw mukhang Kpop Star.
"Sus. Sabi sa akin ni Tita, Luhan daw ang pangalan ng kinababaliwan mo. Guwapo ba yun? Tapos sabi sa akin ni Tita, kung hahaba lang daw ang buhok ng Luhan na yun, mas maganda pa daw sayo. Mga isang daang paligo."
"Get out of my room now, Kuya! Kung hindi, hahampas ko sayo tong monitor ko!" Sigaw ko sa kanya. Buwisit.
Kahit kailan talaga mga epal sila! Ni hindi nga nila alam ang dahilan kung bakit mahal ko ang Kpop, eh. Ganyan talaga ang mga pinsan ko. Hindi nila alam na inspired ako nang dahil sa Kpop. They are judging me for loving Kpop songs. Pilit nila na ipinatatatak sa utak ko na hanggang pangarap lang daw ako. Eh ano naman? Yun naman talaga ang ginagawa ng mga fangirls diba? Ang mangarap kahit alam namin sa sarili namin na imposibleng mangyari yung bagay na yun.
Lumabas na si Kuya Gio ng kuwarto ko. Siyanga pala, sembreak na kami. Nakakatuwa nga, eh. Pati, tinawagan na ako kanina nung Mary Lee. Maghanda na daw ako kasi malapit na daw ang pagdating dito nung magiging koreanong kaibigan ko.
Na-e-excite nga ako bigla, e. Hahahaha! Hindi ko din alam kung bakit bigla akong na-excite. Siguro dahil may magiging kaibigan akong Korean.
**
Kinabukasan, nandito lang ako sa bahay. Wala naman akong pupuntahan, eh. Si Lacy, umuwi muna sa probinsya nila. Dun lang daw siya sa buong sembreak. Namimiss ko na nga siya, eh. Tapos, ako naghihintay ng tawag ni Mary Lee.
Si Kuya Gio at si Kuya Marco, umalis ng bahay. Hindi ko alam kung saan pumunta. Thank God at aalis na sila sa isang araw. Wala naman ginagawa ang dalawang yun dito, eh. Nanchichix lang sila tuwing gabi. Napunta sila sa bar. Yun lang.
Nanuod lang ako ng tv maghapon. 6pm ng hapon, naisipan kong lumabas ng bahay at maglakad-lakad sa buong subdivision namin. Maganda naman dun, e. May park sa loob ng subdivision namin pero minsan lang ako napunta dun.
Bahagya akong nagulat nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Mary Lee ang tumatawag. Bakit na naman kaya?
Sinagot ko yung tawag. "Hello po?"
"Hija. Napa-aga ang uwi nong alaga ng kaibigan ko. Next week na ang punta nila dito. Annika, you need to be prepared."