*
"What are you doing?" Tanong ko kay Luhan. Nandito kami sa garden ng bahay namin at nakaupo lang kami sa may tabi ng aming pool. Nagulat na lang ako kanina nang makita ko siya loob ng bahay. Nanunuod ng tv sa sofa.
"I'm just playing these grass," sagot niya. Binubunot-bunot niya kasi yung damo. Pati, napansin ko pati sa kanya na kanina pa siya tahimik. And guess what? Kanina halos lahat na yata ng babae dito sa village namin, nasa labas ng gate namin at sinisilip si Luhan. Pero, hindi naman nila alam na si Luhan talaga 'to. Kinikilala lang nila siguro. Oo! Madami din ang Exotics dito. Muntik na nga akong mapaaway noon dahil lang sa Exo, e. Parang shunga 'no?
"A-are you okay?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. "Seunghwan called me yesterday when I got home." Sabi niya .
Bigla akong kinabahan. Ito na ba yun? Kukunin na ba siya sa akin ni Seunghwan? Puwede bang wag muna?! Hindi pa ako handa! Kagabi ko pa 'to iniisip, e. Kung ano ang mangyayari sa akin kapag wala na ang dream guy ko!
"A-ahh, what happened?"
"I don't know. Tomorrow is his flight. He said, he will tell me if he was already here," sabi niya habang nakatingin siya sa akin.
Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Akala ko ba 30days? Bakit hanggang 7days lang? Aalis na ba ang Luhan ko? Bakit yun ang pakiramdam ko kahit hindi ko pa alam yung dahilan? Nahihibang na yata talaga ako!
Gusto kong itanong sa kanya kung aalis na ba siya pero hindi ko naman maibuka ang bibig ko. Siguro dahil takot ako sa magiging sagot niya? Eh bakit naman ako matatakot?! Kahit naman abutin si Lulu ng 30days dito, dun pa din ang punta nun! Aalis din siya dito! Natatanga lang talaga ako. Ugh.
"Mary told me yesterday too," sabi ko naman.
"When you got home too?"
Tumango ako saka tipid na ngumiti. "Yes." Tumingin ako sa kanya. "What do you think? What's the reason?"
He shrugged. "I don't have any idea," sagot niya.
Napatango na lang ako. Wala tuloy ako sa mood magsaya ngayon! Eh paano kapag tama ang iniisip ko?! Napairap ako bigla. Ugh! Hindi ko kaya na mawala si Luhanbaby ko! Paano kapag wala na siya?! Magpupuyat na naman ako gabi-gabi?!
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Luhan nang mapansin niyang natahimik ako. Tumingin ako sa kanya at tumango. "I want ice cream,"
Napataas ang kilay ko. "You sure we're going outside? Paano kapag ---"
Tumayo siya at hinila niya ako patayo. "I'm used to it when I'm with you,"
Ang tinutukoy ko kasi ay yung mga natingin sa kanya at yung bigla na lang lalapit at tatanungin kung ano ang pangalan niya. Tapos yung iba, dahil kamukha nga daw niya yung member ng EXO.
Napangiti ako nang dahil sa sinabi niya. Kapag kinikilig kasi ako, halatang-halata! Kaya ngumingiti na lang ako. "S-sabagay,"
"So, let's go! No buts!" Sabi niya at mabilis na hinila niya ako palabas ng gate.
-
"Masarap 'no?" Nakangiting tanong ko kay Luhan. Pinapakain ko kasi siya ng Chicharon! Nakita namin yun kanina. Agang-aga may nagtitinda ng balot sa may plaza.
Ngumiti sa akin si Luhan saka tumango. "Yeah. Its great. What's the name of this again?" Tanong niya tapos iniharap niya sa akin yung isang piraso na kinakain niya.
"Chicharon," sagot ko.
Napatawa ako nang ulitin niya yun. Sheeeeeet! Ang cute ng Luhan ko! Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napisil ko ang pisngi niya. Pero kaagad na inalis ko yung kamay ko sa mukha niya nang mapansin kong namula siya. Shit! Napadiin yata ang pisil ko. "O-omo, s-sorry. Does it h-hurt?"